Default Thumbnail

Finding money: Saan napunta ang P30K?

September 6, 2021 Allan L. Encarnacion 993 views

Allan EncarnacionMATAGAL-TAGAL bago ako nakumbinsi sa online banking.

Ang tingin ko kasi noong una, hindi safe ang gumamit ng digital banking, lalo na’t may mga isyu ng identity theft o kaya naman ay iyong palagi nating naririnig na phising o iyong mga social engineering online attack.

Dahil sa dami ng mga dapat bayarang monthly bills, mga obligasyong sustento sa kamag-anak, tulong sa mga kaibigan, napilitan na akong mag-online banking. Ang sumunond digital forms na pinasok ko kakambal ng online banking ay ang Gcash.

May mga pagkakataon kasing ako ang kailangang magbayad ng mga bills kapag busy ang aking tao na gumagawa nito. Istorbo rin kasi iyong pipila ka para magbayad tapos pag dating mo sa unahan, offline pala sa Bayad Center ang utility na iyong babayaran.

Kaya pinag-riding in tandem ko na ang online banking at Gcash para nasa kamay ko na ang kontrol ng mga dapat bayaran. Sa totoo lang naman, malaking ginhawa talaga ang kombinasyon ito dahil kahit anong oras, kahit nasaan ka, magagawa mo ang transaksiyon.

Ito lang ang downside na alam ko namang walang masamang intensiyon ang Gcash at ang online banking ko. In all fairness, pareho namang competent at reliable ang kanilang sistema. And by the way, more than 20 years na ako sa bangko ko dahil ang original account ko ay sa IBank pa.

Isinusulat natin ito hindi para husgahan ang alinmang kompanya. Gusto lamang natin ipaalam sa publiko para alam din nila ang gagawin kapog nangyari ito sa kanila. Sa bahagi naman ng Gcash at ng bangko, alam nating wala silang kasalanan, baka lang sa digital system nagkakaproblema.

Noong Agosto 24, 2021, kailangan kong mag-online transfer ng P30,000 mula sa bangko patungo sa Gcash. Usual ko naman itong ginagawa para sa monthly bills at mga obligasyon. Komportable at konbiyente naman talaga.

Karaniwan kong ginagamit ay Instapay kapag fund transfer pero noong araw na iyon, palaging error. Dami kasing babayarang bills kaya badly needed talaga. Matapos ang halos sampung error sa maghapon, sinubukan ko ang pesonet.

Nag-transfer ulit ako ng P30,000 kaya nagkumpirma naman sa akin ang bangko na pumasok ang transaksiyon ko. Nagpadala ng reference number at kinumpirmang successul ang transfer. Nabawasan din ng P30,000 ang mother account kaya lang, magdadalawang linggo na, hindi ba rin reflected sa Gcash ang amount.

Noong isang araw, tinawagan ako ng Gcash para sabihin sa akin na hindi pa pumasok sa kanilang sistema ang P30,000. Posible raw naka-float pa sa bangko. Paliwanag ng Gcash, exceeded limit daw ang transaksiyon ko kaya hindi makapag-transfer via Instapay. Sinusubukan nating tawagan ang bangko kaya lang puro answering machine lang ang sumasagot. Alam ko namang safe ang missing P30,000 ko dahil may ipinadala namang reference number ang bangko sa akin.

Ang iniisip ko, mas maganda sana sa sistema ng Gcash na halimbawang on that day ay exceeded limit ka na, dapat papasok na siya sa credit mo sa succeeding days or month kung halimbawang naka-float siya para hindi rin mag-alala ang mga gumagamit ng sistemang ito.

Kung nasaan man ang P30K, sana lang mag-reflect na sa Gcash ko bago pa ako maputulan ng kuryente, tubig at internet.