Kulong

Finance exec walang piyansa dahil sa estafa

November 1, 2023 Jonjon Reyes 175 views

SWAK ang isang 54 -anyos na network finance officer sa mga operatiba ng MPD matapos na silbihan ng arrest warrant sa mismong loob ng selda ng District Special Operation Unit( DSOU) ng Manila Police District sa United Nations Avenue, Ermita, Manila, Martes ng hapon para sa kasong large-scale estafa.

Walang inilaang piyansa sa suspek na may asawa at residente ng Las Piñas City.

Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DSOU, bandang 12:40 ng hapon,nang isilbi ang warrant of arrest sa akusado sa loob ng selda.

Ang operation ay isinagawa sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, deputy chief kasama sina Police Captain Edgar Julian at Police Captain Renz Krizztofer Figueroa.

Ang arrest warrant laban sa suspek ay Inisyu ni Judge Rosa Samson, ng Regional Trial Court, Branch 105 ng Quezon City.

Nabatid kay Samonte na nagsasagawa ang pulisya ng anti-criminality campaign,na may kaugnayan sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day, nang madiskubreng may nakabinbing warrant of arrest ang suspek para sa kasong estafa.

AUTHOR PROFILE