Kathniel

Fans, nagbunyi sa KathNiel reunion

December 14, 2023 Vinia Vivar 214 views

Viral at trending sa X ang video ng pagsasama nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Christmas Special.

Ito ang kauna-unahang public appearance ng KathNiel na magkasama mula nang ianunsyo nila ang kanilang breakup.

Ibinahagi ng fans sa X ang mga video ng performance ng KathNiel sa nasabing Christmas Special kung saan ay makikitang kumakanta sila ng “I’ll Be There For You” at ni-reshare naman ito ng fans.

In fairness, sa video ay hindi mo mahahalatang break na ang dalawa at nagpaka-proffessional pa rin sila.

Nagbunyi ang KathNiel fans sa nakitang reunion nina DJ and Kath at ang iba’y napaiyak pa sa tuwa at kilig. Dahil dito ay nag-number one trending ang hashtag na #AllForKathNiel.

Mapapanood din sa isang video ang paghawak at pag-alalay ni DJ kay Kathryn habang lumalabas sila ng stage at dinig na dinig namin ang sigawan ng kinikilig na fans.

Narito ang ilan sa mga komento nila:

-Sorry na agad kung shaky kasi inubo ako, pero hindi ko mapigilang kunan sila ng video. Kath and DJ on their own are powerful, but KathNiel together are on a different level. Just too magical. Praying for your happiness, Kath & DJ.

-Ang hirap magpigil! Oo na, kinikilig ako. Para akong tangang nakangiti rito

-GENTLEMAN AS ALWAYS, THE CONSISTENCY YES I AM CRYING LEGENDARY KATHNIELS

– Mahigpit na yakap sa lahat ng KathNiels. Kasing higpit ng kapit sa dulo ng video na ito. I pray healing and happiness not just for Kath & DJ, but for you guys as well.

-Ang professional mo naman te @bernardokath nagpapahawak ng bewang sa ex. kung ako yan, makikipagbalikan na ako.

At dahil sa kanilang nasaksihan ay napakaraming KathNiel fans ang umaasa ngayon na magkabalikan ang dalawa.

Sa nakita naming reaksyon at kilig ng fans, we must say, iba pa rin talaga ang KathNiel.

AUTHOR PROFILE