Vice Larawan mula sa IG/@praybeytbenjamin at @chinitaprincess

Vice Ganda kay Kim Chiu: ‘You deserve the best’

December 13, 2023 People's Tonight 337 views

IPINARAMDAM ng Box-office Superstar na si Vice Ganda ang kanyang pagmamhal sa kanyang co-host at aktres na si Kim Chiu sa pamamagitan ng pagyakap dito at pag-aabot ng mensahe.

Sa isang segment ng noontime show na ‘It’s Showtime,’ sey ng Unkabogable Star na mabuting tao si Kim at deserve nito kung ano ang ‘best.’

“Oo, maganda talaga ‘to. Maganda ka, mabuti kang tao. Maganda ang mukha mo. Maganda ang puso,” wika ni Vice kay Kim.

“You deserve the best. You deserve love,” dagdag pa niya.

Ikinonekta naman ng netizens ang sinabi ng actor-comedian sa isyung kinakaharap ngayon ni Chinita Princess.

Magpahanggang ngayon ay usap-usapan ang hiwalayan ni Kim sa aktor na si Xian Lim.

Kamakailan lamang ay burado na sa YouTube channel ng aktor ang mga vlogs nito maging ang mga videos na magkasama sila ni Kim.

AUTHOR PROFILE