Faith Faith da Silva

Faith nagkaroon ng ibang pananaw nang dalawin ang ama sa bilangguan

January 29, 2024 Aster Amoyo 148 views

KINUWENTO ni Faith Da Silva na tila nakita niya rin ang kanyang sarili sa kanyang ama na si Dennis Da Silva nang puntahan niya ang dating aktor sa bilangguan. Dahil hindi nakapiling ang ama sa kanyang paglaki, sinabi ng aktres na lumikha siya ng “imaginary father.”

“Doon ko na-realize na when I was talking to him face to face, I see a lot of myself in him. It was very weird kasi that was the first time we’ve met,” sabi ni Faith sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ang “imaginary father” ni Faith ay kanyang kinakausap sa tuwing pinagagalitan siya ng kanyang ina o may nakakaaway.

“Palaging sinasabi talaga sa akin ni mama growing up, na sobrang mahal ako ng father ko tapos daddy’s girl ako. Eh ako, wala naman akong recollection kasi nga, one year old pa lang ako, paano ako magiging daddy’s girl?”

“Ako, iniisip ko talaga na, kailan darating ‘yung time na I would have a moment with my dad? ‘Yung pagmamahal ko sa kaniya it felt like I was really seeking for it. Feeling ko hindi siya naging normal, tapos hindi ko rin siya shine-share sa ibang tao. So lahat siya nandito lang sa loob, hindi ko alam kung paano ko ipa-process noong time na ‘yun. Si God ang naging father ko talaga,” ani Faith.

Sinabi rin ni Faith na humingi ng tawad ang kanilang ama sa kanilang magkapatid.

“Mas nauna siyang humingi ng tawad sa akin. Si Silas (kapatid niya) talaga ‘yung tinanong niya. Tinanong niya kung ‘Okay na ba tayo? Alam ko noon pa lang meron kang mga feelings o certain emotions na negative about me. Gusto ko lang malaman kung okay na tayo? Kung maayos na tayong dalawa?’ He said yes,” kuwento ng aktres.

Hindi naman itinanggi ni Faith na nagkaroon siya ng ibang pananaw sa kanyang ama dahil sa nababasang balita.

“Pero ‘yung makausap ‘yung mga taong totoong malapit sa kaniya, and for them to say na he’s a happy person,” aniya.

Dinalaw nina Faith at kapatid niyang si Silas, ang kanilang ama na si Dennis sa bilangguan noong Disyembre na itinuturing nilang maagang pamasko sa kanila.

Emosyonal si Faith nang alalahanin ang mga huling sinabi sa kanila ng kanilang ama.

“‘Mag-ingat kayong mga anak. Mahal na mahal kayo ni papa,'” sey ni Faith.

Kylie inaming may bagong nagpapasaya

Kylie
Kylie Padilla

SA isang TikTok video na ini-upload ng celebrity coach na si Francis Simon, tinanong niya si Kylie Padilla tungkol sa naturang mystery guy.

“Meron akong itatanong. Nagkakagulo ang lahat, nagtatalo sila eh. Sino ba ‘yung kasama mo sa mall ‘yung nakaputi?” tanong ni Francis, sabay sabi pa na mahaba ang buhok nito.

“Ay! ‘Yun ba? ‘Yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon,” sey ni Kylie.

Bagaman walang pangalan na binanggit, ilang netizens ang nagkomento sa post at binanggit ang pangalan ng tattoo artist na si Jinno John Simon.

“Bagay sila ni kylie lakas ng dating ni jinno,” sabi ng isang netizen.

Taong 2021 nang maghiwalay sina Kylie at dati niyang asawa na si Aljur Abrenica, na karelasyon ngayon ni AJ Raval, na anak ng aktor na si Jeric Raval.

Vilmark naging emotional dahil sa ginawa ni Jennylyn

Vilmark
Vilmark Viray

NAGING emotional ang Kapuso singer na si Vilmark Viray noong malaman niya na gagamitin ang kanta niyang “Lisan” para sa GMA series na Love. Die. Repeat. at kinanta pa mismo ito ni Jennylyn Mercado.

Ang “Lisan” ang second self-composed single ni Vilmark under GMA Music, na inilabas noong April 2023. Espesyal para sa singer-songwriter ang kanta dahil isinulat niya ito noong pumanaw ang kanyang ama noong December 2022.

“Naiyak po ako that time kasi the song was really special to me kasi nga I dedicate that song for my father. And to be able to see that song na magagamit s’ya in a kind of big teleserye, it’s really fulfilling.

“Hearing the version of Ms. Jennylyn, talagang ‘yung luha ko bumagsak. And then sobrang kinilig ako kasi nag-reply siya na ‘Thank you Vilmark sa pagpapahiram ng napakaganda mong kanta.'”

Ang bagong single ni Vilmark na INOWY (I’m Not Okay Without You) ay isa ring deep personal song para sa singer.

“This song is about sharing with people that it’s okay not to be okay. Because it’s a phase that you need to go through to move forward and start anew. Until you accept the reality that you’re not okay, you’ll keep masking your true feelings.

“I wrote this song from a place of pain, but I hope it can bring comfort and hope to others who are going through tough times. It’s okay not to be okay, but it’s important to remember that we are not alone,” shares Vilmark.

AUTHOR PROFILE