Todas

Ex-cop lumaban sa holdaper todas

May 23, 2024 Gil Aman 183 views

PATAY ang 46-anyos na retiradong pulis ng mabaril ng isa sa dalawang suspek na nagtangkang holdapin ang kanyang tindahan noong Miyerkules sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Kinilala ng Taytay police ang biktima na si Gary Boco na nasawi sa dahil dalawang tama ng bala.

Base sa ulat Kay PBGen. Paul Kenneth Lucas, Regional Director ng PRO 4A, naganap ang holdapan alas-2:50 ng hapon.

Sinabi ng pulisya na mabilis bumaba sa motorsiklo ang angkas sa motor na may baril at tinutukan ang biktima.

Nanlaban ang biktima at nagkaroon ng commotion subalit tinamaan ng ilang beses sa kanyang katawan.

Tumakas ang gunman sa pamamagitan ng pagtakbo sa Barkadahan Bridge Floodway pero naiwan ang baril gayundin ang itim na Yamaha Mio.

AUTHOR PROFILE