Default Thumbnail

Ethyl alcohol sumabog sa eskwelahan, 6 sugatan

June 16, 2023 Zaida I. Delos Reyes 169 views

ANIM na estudiyante ang nasugatan matapos na aksidenteng masindihan ng kanilang ka-klase ang isang bote ng ethyl alcohol sa loob ng kanilang silid aralan nitong Huwebes sa Capoocan, Leyte.

Ang mga biktima na pawang mga grade-six students ng Capoocan Central School ay agad na isinugod sa Carigara District hospital .

Batay sa ulat ng PNP, isang estudiyante ang nag-refill ng alcohol sa isang bote na nasa mesa ng kanilang guro nang isa sa mga kak-klase nito ang bigla na lamang nagsindi ng lighter na naging sanhi ng pagsabog.

“In the process of refilling of alcohol, one of their classmates suddenly lit up a lighter towards the alcohol that was being refilled, thereby accidentally igniting it resulting into a quick explosion and causing burned injuries” pahayag ng PNP.

Ang insidente ay naganap habang ang guro ng mga bata na si , Niño Jake Borrel ay nasa labas at kinakausap ng mga opisyal ng DepEd.

Wala pang pahayag ang DepEd sa lugar kaugnay ng naganap na insidente.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.