Default Thumbnail

Estudyante, 13, nagbaril sa sarili sa Tondo

November 7, 2022 Jonjon Reyes 322 views

HALOS umabot ng dalawang oras ang pakikipaglaban sa kamatayan ang isang 13-anyos na estudyante, makaraang magbaril umano sa sarili sa kanyang silid sa Tondo, Maynila, Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat na isinumite ni Detective Christian Joseph Pineda, kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas 6:10 ng gabi, nang makarinig ng malakas na putok ng baril ang stepfather ng biktimang na itinago sa pangalang “Piona” sa Tondo.

Base sa salaysay naman ng amain ng dalagita, nakarinig ito ng putok ng baril sa ika-tatlong palapag ng kuwarto ng biktima sa nasabing lugar.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa ina ng dalagita na noon ay kararating lamang galing sa botika.

Nakita nila ang biktima na may tama ng bala sa noo kaya agad nila itong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan, subalit dakong 8:15 ng gabi, nang ideklarang patay ng attending physician.

Dahil dito, ipinagbigay alam ng pagamutan sa MPD Raxabago Police Station at inutos ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. kay P/Capt. Geovanni Bringuez at agad naman itong rumesponde sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay Bringiez, isang Colt 45 na pistola ang nakita sa pinangyarihan na posibleng ginamit ng biktima at patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon kahit na naging kontaminado na ang lugar na kung saan nagbaril sa sarili ang biktima.

Ayon sa inisyal na report ng pulisya, nagkaroon ng diumano ng “problema” ang dalagita sa kanyang pag-aaral na ipinarating ng guro nito sa kanyang ina.

Ang bangkay ng dalagita ay pansamantalang inilagak sa St. Therese Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE