Default Thumbnail

Establishment ninakawan, guard tinodas sa Calamba

December 10, 2023 Gil Aman 450 views

PINAGNAKAWAN na ang business establishment na binabantayan, pinatay pa ang security guard sa Brgy. Batino, Calamba City noong Sabado, ayon sa pulisya.

Patay na si Jun Bautista Domasing, guwardiya ng J-Davan International Inc. sa B6 L1 CPIP, Brgy. Batino ,Calamba City, Laguna, nang matagpuan, ayon kay PLt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police.

Ayon sa report ng Calamba police kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Police Regional Director ng Regon 4-A, nadiskubre dakong alas-7:00 ng umaga noong Sabado ang pagnanakaw at pagpatay.

Sa ulat ng pulisya, dumating ang papalit na security guard na karelyebo ng biktima at nadatnan niya na nakahandusay na sa gilid ng guardhouse si Domasing.

Ayon sa karelyebo, nakatali ang mukha ng duct tape ang paa at bibig ng biktima.

Nana umakyat siya sa taas ng building, natuklasan niya ang mga basag na salamin sa harapan ng pintuan.

AUTHOR PROFILE