Baril

2 lalaki timbog sa baril sa Batangas

December 10, 2023 Jojo C. Magsombol 210 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Dalawang lalaki na armado ng baril ang inaresto noong Biyernes ng mga pulis sa Brgy. San Isidro Norte, Sto. Tomas City, Batangas.

Nahuli sina alyas Leonardo at alyas Roberto bandang alas-3:30 ng madaling-araw nang takutin ang ilang residente ng nabanggit na lugar, ayon sa report ni Batangas Provincial Director Col. Samson B. Belmonte.

Tinimbog ang dalawa matapos humingi ng tulong ang mga takot na takot na sina Ryan Ballesteros Juanillo at Catherine Rose Colo Maloloy-on sa mga tauhan ng Sto Tomas City Police Station.

Mabilis na pinuntahan ng mga pulis ang mga suspek at mahinahong pinakiusapan na itaas ang kanilang mga kamay at isuko ang kanilang baril na kitang-kitang nakasukbit sa kanilang mga baywang.

Narekober sa dalawa ang isang cal 9MM pistol na may 42 bala at cal. 45 na may dalawang magazine na kargado ng 14 na bala.

Mahaharap ang dalawa sa mga kasong grave threats at Paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms), ayon kay Belmonte.

AUTHOR PROFILE