Default Thumbnail

EMPLEYADO NG SM SAN PABLO ITINUMBA

March 27, 2023 Gil Aman 326 views

PATAY ang isang empleyado ng SM San Pablo Ciity makaraang paulanan ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ng di pa kilalang suspek sa isang madilim na bahagi ng Bgy. San Jose,San Pablo City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni PLt. Col. Joewie Lucas, hepe ng San Pablo City police, ang nasawing biktima na si John Paul Reyes Manuel, residente ng Malamig, Bgy. San Jose, ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay binaril ng anim na beses habang pauwi sa kanilang tahanan dakong 10:20 p.m.

Tumakas ang salarin sa hindi mabatid na lugar bitbit ang ginamit na baril.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa San Pablo City General Hospital.

Nagsasagawa ng imbestigasyon sa identity ng suspek at motibo ng pagpatay.

AUTHOR PROFILE