Carlo

Eksena ng panunukso kay Carlo, isa sa mga paborito ni Julia

September 5, 2022 Ian F. Fariñas 382 views

EXCITED na ang fans ni Julia Barretto na mapanood ang kauna-unahan niyang daring movie na Expensive Candy katambal si Carlo Aquino.

Ngayong Lunes gaganapin ang red carpet premiere night ng Viva Films movie sa SM North EDSA The Block na dadaluhan nina Julia at ng direktor nitong si Jason Paul Laxamana.

Sa katatapos na media conference, sinabi ng batang aktres na marami siyang paboritong eksena sa pelikula bilang hooker na si Candy.

“Too much, too much! Siguro I think ’yung first scene na ginawa ko with Carlo,” banggit niya.

Sa eksena raw ay tinutukso-tukso niya si Carlo bilang Toto, ang lalaking magmamahal kay Candy matapos ang isang gabi ng pagsasama.

“’Yun ’yung very first and I just dove into the scene I didn’t know what was gonna come out from me, what was gonna come out from Caloy (tawag niya kay Carlo),” kwento ni Julia.

Sa tulong ni Direk Jason Paul, naging natural naman daw ang eksena dahil wala sila parehong ini-expect ni Carlo mula sa isa’t isa.

“Siguro isa ’yun sa marami kong fave scenes sa Expensive Candy,” diin pa ni Julia.

Sa September 14 na magbubukas sa mga sinehan nationwide ang nasabing pelikula.

AUTHOR PROFILE