Mac1

Direk Mac sa sexy genre: It’s a matter of choice

September 5, 2022 Ian F. Fariñas 310 views

ISA ang multi-awarded director na si Mac Alejandre sa mga kontra sa censorship pagdating sa online streaming.

Ito ang nilinaw ng direktor sa katatapos na virtual mediacon ng Vivamax Original Series na ’Wag Mong Agawin ang Akin na pinagbibidahan nina Angeli Khang, Jamilla Obispo, Felix Roco at Arron Villaflor.

Ani Direk Mac, naniniwala siya sa kalayaan ng artists at ng viewers na mamili ng kung anong gusto nilang panoorin.

Ang bold o sexy raw ay isang genre lamang, hindi mas mataas o mas mababa sa ibang mga genre gaya ng drama, comedy, horror o action.

“Isa lamang itong platform o isa itong springboard, isang paraan para mailahad mo ang kwentong gusto mong sabihin. So wala, hindi ako negative doon. Open ako sa lahat. Laging nagkakatalo sa ano bang genre ‘yan? Bold ba? Sex man ’yan, comedy man ’yan, drama man ’yan, ano ang gusto mong sabihin at ano ang pamamaraan whereby sinasabi mo ‘yung gusto mong sabihin? ‘Yun ang mahalaga sa akin,” paliwanag niya.

Aminado si Direk Mac na marami ngang sexy films sa online streaming ngayon, pero aniya, “I can only speak sa kaso ko. My Husband My Lover is bold but is not as sexy sa standard ng Viva. Silip is very graphic. My third is May December January, which is drama. Hindi pa siya ipinapalabas, it will have a cinema release soon. And then I did ‘Wag Mong Agawin ang Akin, ito, and then I did Selina’s Gold which I wrote, natapos ko na siya, it’s sexy. And then I will do next month another Ricky Lee script, Isang Gabi, sexy siya. Then I’m doing another Ricky Lee script, Love Letters, no sex at all. Straight love story siya.

“Nu’ng pinitch ko ‘yung mga materyal na ‘to, ‘di dahil sex movie siya. Pinitch ko itong mga materyal na ito kasi ito ‘yung gusto kong gawin.

“Ang ibig kong sabihin, yes sex sells, yes tinatangkilik ‘yan ngayon. It’s a matter of choice. ‘yun ang gusto kong sabihin. If Vivamax chooses films like that, it’s their choice. If the filmmakers want to do films they choose to do, thats their right. if the audience decides to patronize films like that, it’s also their choice. Naniniwala ako sa freedom of expression saka hindi ako naniniwala sa censorship and I always viewed sex as hindi negative, eh. Lalo na kung ang pagpapakita ng sex ay merong kahulugan. Kung merong mas mataas na antas o ginagamit ‘yon para masabi mo ang isang bagay na mas mahalaga,” giit ng direktor.

AUTHOR PROFILE