RK

RK at Brent, bagong endorsers ng optimum skin

September 5, 2022 Ian F. Fariñas 531 views

PORMAL na ipinakilala sina RK Bagatsing at Brent Manalo bilang pinakabagong Optimum Skin Care celebrity endorsers sa isang magarbong ’90s party-themed celebration kasabay ng birthday ng executive nitong si Eve Esmerio Sabado ng gabi.

Tatlong taon na sa market ang Optimum Skin Care at so far, malapit nang magbukas ang ikalawa nitong branch sa BGC.

Ang una nilang branch ay matatagpuan sa Quezon City at sa ngayon nga ay sandamakmak na rin ang kanilang endorsers na kinabibilangan nina John “Sweet” Lapus, Nikki Valdez, Calista, sports personalities tulad nina Bea de Leon, Deana Wong, atbp.

Ani RK, bilang artista, malaking tulong ang Optimum Skin Care sa pangangalaga sa kanyang balat at pangangatawan.

Kwento niya, “My skin is not my best suit. Waterloo ko ‘yan ever since, eh. Bata pa lang ako meron na akong acne, so growing up, meron talaga akong scars all over. And it’s only recently na ‘pag napapanood ko ang sarili ko sa screen, sabi ko, I need to take care of my skin in a way. And siyempre sa work namin, we need to look better. Laging dapat best shape. They’re taking care of my skin, the best doctors and sobrang bait ng staff. Tuwang-tuwa kaming lahat.”

Si Brent naman, aminado na walang skin care regimen until ma-try niya ang Optimum nang gawin ang Beach Bros ng ABS-CBN.

At par nga raw ito sa ibang aesthetic centers sa bansa dahil state-of-the-art ang mga machine at very effective ang inu-offer na treatments gaya ng MSculpt, Ulthera at marami pang iba.

Ang Optimum Skin ay nasa ilalim ng pamamahala ni Michael Tica at mag-asawang Eve at Jon Esmerio.

AUTHOR PROFILE