Ejay

Ejay at Jana kasal na

March 27, 2023 Aster Amoyo 677 views

OFFICIAL nang Mr. & Mrs. Ejay Falcon ang newlywed couple, ang actor at vice-governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon at ang Starstruck alumna-turned actress na si Jana Roxas matapos ikasal ang dalawa sa isang Christian garden wedding na ginanap sa Enderun in Taguig City last Saturday, March 25 ng hapon.

Ang bagong mag-asawa ay parehong produkto ng magkahiwalay na reality talent search, ang “Starstruck: National Invasion” kay Jana nung 2006 ng GMA habang si Ejay naman ay naging Big Winner ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” nung 2008 ng ABS-CBN.

Ang pagsali ng dalawa sa magkaibang reality program ay siya nilang naging daan para mapasok ang showbiz with Ejay sa bakuran ng Kapamilya network habang si Jana naman sa Kapuso network.

Although nasa magkaibang TV network ang dalawa, hindi ito nagging hadlang sa kanilang pag-iibigan when the two met sa isang housewarming na kapwa nila dinaluhan. Since then ay naging inseparable na ang dalawa.

After seven years ng kanilangrelasyon, the couple got engaged in August 2022 nasinundan ng kanilangpagpapakasalnitongnakaraang Sabado ng hapon, March 25.

Parehong payak ang nagging buhay noon nina Ejay at Jana.

Si Ejay at ang kanyang pamilya sa Mindoro ay iniwan ng kanilang ina when he was still a kid. When he turned 15, dumayo siya ng Maynila para hanapin ang kanyang ina only for him to find out na meron na itong ibang pamilya. Sinubukan niyang mag-enrol sa University of Manila kung saan siya nag-enrol in Hotel and Restaurant Management na hindi naman niya natapos due to financial constraints. During this time ay na-discover naman siya ng kanyang tumayong manager, ang make-up artist na si Benjie Alipio who helped him sa iba’t ibang auditions hanggang maging housemate siya ng PBB at tanghaling Big Winner na siyang bumago sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

Pagkatapos niyang manalo sa PBB ay agad siyang kinontrata ng ABS-CBN’s talent management arm, ang Star Magic at kasunod na rito ang kanyang sunud-sunod na TV projects na kanyang sinimulan sa “Katorse” na siyang launching project noon ni Erich Gonzales.

It was in the last local and national elections when Ejay decided to enter politics at tumakbo siya for vice-governor ng Oriental Mindoro and won.

Marco masaya raw kay Cristine

NATATAWA sa amin ang Viva actor nasi Marco Gumabao kapag tinutukso naming ito sa dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa na muli niyang katrabaho sa pelikulang “Baby Boy, Baby Girl” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Lacsamana under Viva Films. Ang dalawa ay matagal nang magkaibigan at parehong single. Little did we know na meron na palang ibang itinatangi ang binata, ang kapwa niyang Viva artist na si Cristine Reyes na hindi naman itinanggi ng binata.

During the recent presscon ng bagong sitcom ng TV5, Cignal TV and Viva tV ang TV adaptation ng classic novel ng yumaong nobelista at screenwriter na si Pablo S. Gomez, ang “Kurdapya,” siya’y tinanong tungkol sa kanila ni

Cristine at hindi naman nito itinanggi. In fact, Masaya umano silang dalawa ng actress.

Si Cristine ay matagal nang hiwalay sa kanyang ex-husband, ang actor at martial arts expert na si Ali Khatibi na siyang ama ng kanyang 8-year-old daughter na si Amarah. Matagal na ring walang ibang babaeng nali-link kay Marco.

Six years ang agwat ng edad ng dalawa. Cristine is 34 at 28 naman si Marco pero pagdating sa pag-ibig, hindi issue ang edad dahil ang mahalaga ay ang kanilang pag-iibigan at pagkakasundo sa maraming bagay.

Sina Cristine at Marco ay parehong nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency. Nagkatrabaho ang dalawa saTV adaptation ng pelikulang “Tubig at Langis” in 2016 ng ABS-CBN na tinampukan nina Cristine, Zanjoe Marudo at Isabelle Diaz but at that time ay wala pang attraction ang dalawa sa isa’t isa.

Ngayong bago pa lamang ang relasyon nina Marco at Cristine, gusto muna nila itong i-enjoy privately.

Dr. Manny inaming hiwalay na sila ni Dr. Pie

DALAWANG okasyon ang aming dinaluhan last Sunday, March 26 ng gabi, ang soft opening ng classy and luxurious restaurant na Azadore along Scout Torillo corner Scout Fernandez Sts. In Quezon City, sister restaurant ng sikat na Pandan Asian Café na matatagpuan naman along Scout Limbaga (near Tomas Morato), also in Quezon City.

In attendance ang mga incorporators o may-ari ng bagong bukas na restaurant (na siya ring may-ari ng Pandan Asian Café), ang award-winning chef, book author at social media influencer na si Chef Tatung (Michael Giovan Sarthou III), ang interior designer-restaurateur na si Ivy Almario (ex-wife of Arch. Conrad Onglao) and her second husband, ang businessman at restaurateur na si Yong Nieva, Rolando Noblezada Poderoso, ang mag-asawang Alvin at Carla Fortuna and couple Dennis Coronel at Ems Macalintal.

Alvin and Dennis are both actors-entrepreneurs.

AraAra1At Azadore, inabutan namin doon ang mag-asawang Dave Almarinez and Ara Mina, ang dating PBA basketball player-turned coach na si Alvin Patrimonio and his family, ang writer-director na si Ronald Carballo, Dr. Manny Calayan, actor Robert Sena at iba pa.

Dr. Calayan confessed to us na hiwalay na sila ng kanyang wife na si Dr. Pie Calayan three years ago but they remain business partners and parents to their three lovely daughters na sina Hanna, Bernice and Andrea.

“Ako ang may kasalanan dahil ako ang nagloko,” pag-amin sa amin ng aming kumpareng si Dr. Manny Calayan.

“Are you friends?” tanong naming sa kanya.

“Hindi pa pero we remain as business partners sa aming clinic, now operated by our children. Kami na ang empleyado,” natatawa niyang tugon.

Magkaiba ang clinic hours ng dating couple kaya hindi sila nagkikita at nag-aabot sa kanilang clinic.

Inamin sa amin ni Dr. Calayan na natuto umano siyang magloko nang mag-clinic sa Amerika ang kanyang dating misis sa loob ng limang taon and she found out.

May posibilidad bang magkabalikan silang mula ng kanyang dating misis?

“Hindi nasiguro,” sagot niya.

“But we will remain devoted parents to our children,” diin niya.

As to Alvin Patrimonio naman who tried politics nung nakaraang halalan, bukas umano siya sa posibilidad na magbalik-showbiz kung magkakaroon ng pagkakataon.

Minsan ding na-in love sa kanya ang tinaguriang “Queen of All Media” at dating Presidential daughter and Presidential Sister, ang TV host, actress at entrepreneur na si Kris Aquino. He was a basketball superstar during his prime (1988-2005) and was awarded PBA Hall of Fame in 2011 along with other basketball greats tulad nina Billy Ray Bates, Freddie Hubalde, Tommy Manotoc, Mariano Yenko, Tito Eduque at Bobong Velez.

Anak ni PJ, star-studded ang birthday celebration

ReyRey1Rey2BAGO kami dumalo sa soft opening ng Azadore in Quezon City last Sunday evening ay nagtungo muna kami sa birthday celebration ng eldest daughter ng mag-asawang Rey `PJ’ at Sheena Abellana na si Reysheel na ginanap sa penthouse ng kanilang magarang bahay in Quezon City which was also a star-studded event na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ng celebrant maging ng mag-asawang Rey at Sheena. Namataan namin doon ang veteran actor na si Julio Diaz, ang mga kapatid ni Rey na sina Dino at Jojo Abellana (with his girlfriend Jackie), ang mag-asawang Jestoni at Lizette Alarcon, ang bagong batch ng grupong Hagibis, singer-actor Jethro Ramirez iba pa.

Samantala, si Rey `PJ’ Abellana ay isa sa cast ng pelikulang “Baby Boy, Baby Girl” na pinagbidahan nina Marco Gumabao at Kylie Verzosa at sinulat at dinirek ni Jason Paul Lacsamana under Viva Films.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE