BBM1

Duterte, China kumpirmadong may secret agreement

April 13, 2024 Chona Yu 80 views

NALILITO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa “secret agreement” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China na hindi ayusin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Pangulong Marcos, kinumpirma ng Chinese Embassy na mayroong “secret agreement” si Duterte sa China.

Ayon kay Pangulong Marcos, may tatlo siyang tanong kay Duterte. Una, mayroon bang kasunduan? Pangalawa, ano ang laman ng secret agreement? Pangatlo, bakit secret ang kasunduan?

“So, now, with the confirmation of the Chinese Embassy. We now know that there was a secret agreement. Now, this is, the second question that I have, is what is contained in the second agreement?” pahayag ni Pangulong Marcos sa media interview sa Washington sa Amerika.

“Ano ba ang pinangako ng Duterte administration sa China? Dahil hindi pa natin alam eh kung – ngayon lang pa lang natin talaga – ngayon lang tayo nakakatiyak na mayroon talagang, mayroon pala talagang agreement. Tawag nila is gentleman’s agreement, tawag ko diyan, secret agreement,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nakapagtataka ayon kay Pangulong Marcos na isang may malawak na karanasan na abogado si Duterte pero hindi naman dinukomento, ni-record o inansyo ang kasunduan.

Nakahanda naman si Pangulong Marcos na kausapin ang dating Pangulo para talakayin ang foreign policy at mga kasunduan na pinasok nito sa usapin sa South China Sea.

Una nang sinabi ni Duterte na hawak niya ang mga dokumento at nirerebyu ang mga kasunduan na pinasok ng kanyang administrasyon.

“Send them to me and then we’ll sit down. Send those documents to me. And then I’ll sit down and discuss it. I’ll do my homework for him. Just the way I work. I read all the materials first so when I’m in the conference, I can ask intelligent questions,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So send me the materials, personally to me. ‘Wag na sa DOJ, sa DFA, sa akin. Padala n’ya sakin. Marami kaming common na kaibigan. Send them to me. Pag-aralan ko. Mag-usap kami kung gusto n’ya,” dagdag ng Pangulo.

Hindi sang-ayon si Pangulong Marcos sa ideya na secret agreement sa pangambang makompromiso ang soberenya at territorial integrity ng Pilipinas.

“It should be known by the local officials. It should be known by everyone. Because in that way you can… you are accountable. If it’s a bad decision, you’re accountable. Sabihin n’yo, mali ‘yung ginawa ninyo. Di ba? Ano ‘yung tinatago mo, bakit di n’yo sinabi, what are you hiding? Why was it secret?” pahayag ni Pangiulong Marcos.

Ipinagkibit balilat din lang ni Pangulong Marcos banat ni Duteete na naval patrols sa West Philippine Sea.

“I don’t pay any attention to that,” sabi ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE