Default Thumbnail

Dream team ang economic team

June 1, 2022 Allan L. Encarnacion 462 views

Allan EncarnacionKAHIT noong panahon ng eleksiyon, palagi akong natatanong kung ano raw na ba ang palagay ko sa PBMM presidency.

Dahil siguro consistent topnotcher si BBM sa lahat ng mga surveys kaya siguro lahat ay nakatuon na sa Marcos junior administration kahit panahon pa lang ng kampanyahan.

Hindi naman nagbago ang mga sagot ko mula noon hanggang ngayon: magiging magaling na Presidente si BBM dahil alam niya ang kanyang ginagawa.

Una, papatunayan niya sa mundo na mali ang paratang sa kanyang ama, pangalawa, malaki ang posibilidad na ang blueprint of Marcos senior presidency ang maging padron ni junior para sa pagpapatakbo ng bansa.

Palagi naman nating sinasabi, wala pang nakakatapat sa brilliance ni FM sa lahat ng naging Presidente ng republika.

Isang halimbawa ng BBM administration ay ang maingat na pagbuo ng enocomic team. Ito ang backbone at ito ang lifeline ng bansa kaya importanteng dream team ang economic team.

Sa ngayon, maganda ang komposisyon ng BBM appointees sa economic team gaya nina BSP Governor Ben Diokno bilang Finance secretary, Philip Medalla, BSP gov at Arsenio Balisacan bilang NEDA chief.

Dumagdag sa economic team ng BBM presidency si incoming Budget Secretary Amenah Pangandaman na isang financial expert. Si Pangandaman ay dating Chief of Staff ng yumaong Senate President Edgardo Angara na erpat naman ni Sen Sonny.

Sa kasalukuyan, si Pangandaman ay BSP Assistant Governor for Strategic Communication, Advocacy and Executive Offices Coordinator.

Si Sec. Pangandaman ang naglatag ng mga taktika kung paano magiging pamilyar at paano maging malapit sa tao ang BSP na isang institusyong hindi karaniwan sa mga mamamayan.

Maging mga mga digital transformation at financial inclusion na ipinatupad ng BSP sa buong bansa ay mismong si Sec Mina ang gumawa ng mga programa at taktika para rito.

Positibo ang pagtanggap ng mga negosyante sa economic team ni PBBM na sa tingin natin ay magandang simulain ito para agendang “Sama-sama tayong Babangon Muli.”

Congratulations kay Sec. Pangandaman!

***

Isa pang magandang appointment ay ang pagkakahirang kay dating Manila Congresswoman Naida Angping na maybahay ng matagal na nating kaibigang si former Ambassador Harry.

Si Angping ang bagong Presidential Management Staff (PMS) secretary na daanan ng lahat ng appointments ng Presidente. Isang posisyong naibibigay lamang sa totoong pinagkakatiwalaan ng nakaupong Pangulo ng bansa.

Noong nagkakabiruan kami ni Mam Naida, nabanggit ko sa kanya na mas bagay siyang maging Tourism secretary.

Kompiyansa tayo na magiging maayos ang sistema ng PMS dahil propesyunal itong si Mam Naida na palaging nakangiti.

Congrats Mam Naida!

***

Binabati rin natin si Atty. Vic Rodriguez na Executive Secretary ni PBBM na isang magaling na abogado at totoong nasa tabi ni PBBM mula sa pagtakbo sa VP.

Hindi rin matatawaran ang katapatan ni Atty. Vic kay PBMM dahil lahat ng isyu na ipukol ay siya ang sumasagot. At hindi marunong mapikon kahit nakakaasar na ang mga tanong ng ibang reporters.

Congratulations sa lahat ng mga bagong appointees na bubuo ng administrasyon ni PBBM.

[email protected]