DONGYAN

DongYan, swak na ambassadors ng DoH

June 17, 2021 People's Tonight 413 views

Matapos makitang nagpabakuna na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong weekend, tila maraming kababayan natin ang nakumbinsi nang magpabakuna na rin.

Kasama sina Dingdong at Marian sa listahan ng Kapuso stars na nabakunahan na kontra COVID-19.

Nais ng mag-asawa na hikayatin ang lahat na magpabakuna para maprotektahan ang kani-kanilang mga pamilya laban sa virus.

Isa rin itong paraan para masiguro ang kaligtasan at kalusagan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Dahil nga rito ay maraming netizens na ang nagsasabing sana ay kuning ambassadors ng Department of Health sina Marian at Dingdong.

AUTHOR PROFILE