Cory Quirino

Ogie, sinalo ang pa-concert ng grupo ni Cory

June 17, 2021 People's Tonight 533 views

MALAKI ang pasasalamat ni Cory Quirino sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid dahil sa pagpayag nitong i-mount ang engrandeng virtual fundraising concert na Isang Tinig, Isang Lahi (One Voice, One People).

Katuwang ang grupong The Filipino American Voice United (FAVU), project chairman si Cory ng Isang Tinig, Isang Lahi at project partners naman sina Ogie at Sen. Manny Pacquiao.

Global ang FAVU dahil meron itong chapters sa Amerika at may network of offices and coordinators sa Philippines, Europe, Middle East at Australia.

Sa isinagawang virtual mediacon kahapon para sa event, sinabi ni Cory na nagpapasalamat siya sa pagpayag ni Ogie at ng team nito na buuin at gawin ang fundraiser sa loob lamang ng anim na buwan.

Matapos pumayag ni Ogie, ani Cory, nagkasunud-sunod na ang pag-oo ng ilang bigating singers ng bansa gaya nina Lea Salonga, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Moira dela Torre, Ian Veneracion, Jose Mari Chan, Martin Nievera, Apl.de.ap., Bamboo, Maymay Entrata at marami pang iba.

Magpe-perform din ang international singer na si David Pomeranz at may dalawang song numbers din si Sen. Manny.

Layon ng Isang Tinig, Isang Lahi na matulungan ang mga programa ng Caritas Philippines para sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Mapapanood ito sa June 26, 8 p.m., at June 27, 10 a.m., sa Caritas Facebook page at ktx.ph.

Ang beneficiaries ng virtual concert ay ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., Philippine General Hospital, Caritas Philippines, Philippine Relief and Development Services at Tuloy Foundation, Inc.

AUTHOR PROFILE