Jadine

James, hands-on sa career ni Nadine

June 17, 2021 Vinia Vivar 561 views

Ayaw nang magbigay pa ng pahayag si Nadine Lustre hinggil sa naging resolusyon ng Quezon City Regional Trial Court sa kasong isinampa ng Viva laban sa kanya kaugnay ng pag-terminate niya sa kanyang exclusive contract sa Viva Artists Agency.

Sa The Interviewer Presents online show ni Boy Abunda kung saan ay guest si Nadine, isa nga sa mga naitanong ng TV host sa aktres ay kung ano ang kanyang statement tungkol dito.

Ayon kay Nadine, ipinauubaya na lang niya sa kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan ang tungkol dito.

“Well, Tito Boy, I trust naman that Atty. Lorna can help me out on this and I’m just leaving it up to them,” sey ng aktres.

At siyempre, isa rin sa mga naitanong sa aktres ay ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon ng ex-boyfriend na si James Reid.

Ayon kay Nadine, okay naman sila.

“Honestly, he’s just been pushing me, he’s actually the one lining up all the things, all of the projects for me which I’m really grateful for because I wouldn’t have done it without him, to be honest,” ani Nadine.

Bagamat wala na sila ay nagsusuportahan pa rin daw sila at close pa rin sila.

In fact, ang Careless Music ni James ang music label ni Nadine producing her singles, albums at ito ngang huli ay ang virtual concert ng aktres na gaganapin sa July 3.

“We’re happy, we’re supporting each other, we’re pushing each other,” she said.

FANS, KILIG KINA ALDEN AT JASMINE

Inaabangan na ng marami ang nalalapit na pagbabalik-tambalan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith sa upcoming GMA primetime series na The World Between Us.

Matapos ang team-up nila sa I Can See You: Love On The Balcony, tila marami ang kinikilig at natutuwa sa malakas na onscreen chemistry nina Alden at Jasmine na nakatakda namang bumida sa The World Between Us bilang sina Louie at Lia.

Samantala, mula sa ipinasilip na bagong teaser ng series ay mapapansing may kinalaman sa “chain reaction machine” ang kuwento nito.

Sa ulat ng 24 Oras ay ikinuwento ni Alden ang papel nito sa kanilang serye, “Sa buhay ng tao, everything is a series of chain reactions… Ipapakita nu’n kung paano ‘yung mga nangyayari sa buhay ng mga bida sa istorya ay maaapektuhan ng action ng isa pang karakter and so on.”

Bukod kina Alden at Jasmine, kasama rin sa serye sina Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero at Kelley Day.

Malapit nang mapanood ang The World Between Us sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE