Marian

DongYan movie sa Star Cinema, pang-2023 MMFF

March 15, 2023 Jun Nardo 474 views

NAGBUBUNYI ang fans ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, huh!

Kumalat ang picture ng mag-asawang Dingdong at Marian sa social media ng isang account na may kinalaman sa gagawing movies ng Star Cinema this year.

May nasabi pa si Vilma Santos tungkol sa movie niya sa Star Cinema pero wala pa siyang detalye na inihayag.

Nasa post din sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na parehong Star Magic talents.

Ang paggawa ng movie sa Star Cinema nina Dong at Yan ang naibalita ng kasama naming si Rose Garcia sa Marites University podcast.

Pero kung para saan ang movie, eh, off the record muna.

Dahil may naglabasan na sa socmed, ibabalita naming intended for the 2023 Metro Manila Film Festival ang movie nina Dong at Yan.

Of course, exciting dahil wala pang naging MMFF movie ang Kapuso royal couple, huh!

BEST MAN NI DEREK, TV HOST NA

PAMILYAR sa showbiz ang pangalang Gerry Santos.

Si Gerry ay nakilala sa mundo ng negosyo dahil siya ay tinawag na “Mr. Freeze” dahil sa negosyo niyang tube ice.

Magiging bahagi na si Gerry ng AllTV dahil siya ang host ng Negosyo Goals na produced ni Ivy Alaya, CEO ng Makers Mind Media Production.

Optimistic naman ang ALL TV president na si Maribeth Tolentino sa partnership nila ng Makers Mind matapos ang contract signing last week.

Kung pamilyar ang name ni Gerry Santos, ‘yan ay dahil kaibigan niya sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Siya ang nagbuking ng engagement ng dalawa sa kanyang IG stories at tumayong best man ng aktor sa kasal.

Friend din niya sina Albert Martinez at Aga Muhlach.

Makakasama natin si Gerry “Mr. Freeze” Santos tuwing 10:30 a.m., Linggo, simula sa March 19, upang ibahagi ang kaalalam sa negosyo ng 40 years.

Samantala, isa sa mga bagong programa ng AllTV a inilunsad nitong Marso ay ang Asian hit series na Hot Mom.

See, buhay na buhay pa ang AllTV, huh!

AUTHOR PROFILE