Dolly1

Dolly de Leon nakasama sa isang event sina Prince William at Kate Middleton

February 22, 2023 Aster Amoyo 670 views

HINDI man naiuwi ng veteran Filipina actress na si Dolly de Leon ang award for Best Supporting Actress para sa pelikulang “Triangle of Sadness” sa 76th British Academy of Film and Television Awards (BAFTA) nung nakaraang Linggo, February 19, nakagawa pa rin siya ng kasaysayan dahil siya ang kauna-unahang Filipina actress na na-nominate sa nasabing prestihiyosong gabi ng parangal (in all categories) na dinaluhan hindi lamang ng mga nominado sa iba’t ibang kategorya kundi maging ng iba’t ibang luminaries in the industry including Prince William, Prince of Wales at ang kanyang wife na si Kate Middleton, Duchess of Cambridge.

Ang 76th BAFTA ay ginanap sa Southbank Centre in London last Sunday with Richard Grant and Alison Hammond as hosts.

It was also the very time na ang isang Filipina nominee ay nakipag-hobnobbing sa mga who’s who sa industriya at nakakuha rin ang attention ang kanyang kasuotang gown during the awards night na gawa ng kilalang fashion designer na si Rajo Laurel na ang tema ay `alon’.

Magarbong presscon para sa ‘Martyr or Murderer’

NAPAKABONGGA ng second grand presscon ng pelikulang “Martyr or Murderer,” mula sa panulat at direksyon ng controversial filmmaker na si Darryl Yap na ginanap sa Las Casas na may Hispanic historical ambience in Roosevelt, Quezon City. Napakanda ng lugar, food, settings and decors. Pati ang center piece ay nakakatuwa dahil sa halip na bulaklak ang nakalagay ay isang malaking basket na puno ng Filipino fruits and vegetables.

Ang pakiramdam ng lahat na dumalo ay nasa Intramuros o di kaya sa Vigan, Ilocos Sur sila.

Dumalo si Sen. Imee Marcos (source ng kuwento ng pelikula), Viva Group of Companies big boss na si Boss Vic del Rosario at dalawa sa kanyang mga anak na sina Vincent at Valerie del Rosario na parehong top executives ng kumpanya. Kumpleto rin ang bumubuo ng cast na pinangunahan nina Cesar Montano (who played the late former Pres. Ferdinand E. Marcos, Ruffa Gutierrez (as former First Lady Imelda Marcos), Cristine Reyes (as Sen. Imee Marcos), Diego Loyzaga (as Pres. Bongbong Marcos), Isko Moreno (as former Sen. Ninoy Aquino), Jerome Ponce (the young Ninoy Aquino), Cindy Miranda as the young Imelda Marcos, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at iba pa pa.

It took 37 years bago naisapelikula ang sequel ng global hit movie na “Maid in Malacanang” kung kelan ang kasalukuyang Pangulo ay ang nakababatang kapatid ni Sen. Imee na si Pres. Ferdinand `Bongbong’ Marcos, Jr.

“At that time, no one was willing to listen to our story,” ani Sen. Imee na game na game sa mga katanungan sa kanya mula sa entertainment press.

Inamin ni Cesar na bago nagsimula ang shoot ng “Maid in Malacanang” pati na ang “Martyr or Murderer” ay in-absorb na umano niya ang character ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Bukod sa panonood sa YouTube ng iba’t ibang mga speeches ng dating strongman, tinadtad umano niya ang kanyang kuwarto ng mga larawan ng namayapang dating pangulo para in character na umano siya during the shoot. He shared this idea kay Ruffa Gutierrez na siya rin niyang ginawa.

Inamin din ang iba pang bumubuo ng cast na nag-research din sila para mabigyan ng hustisya ang kanilang respective roles in the movie lalupa’t true characters ang kanilang pinortray sa pelikula.

Direk Darryl only made one movie in 2022, ang globally hit movie na “Maid in Malacanang”. Since nasa second month pa lamang ng 2023 ang “Martyr or Murderer” na palabas na sa Mach 1, 2023 kasunod ang sunud-sunod na international screenings sa iba’t ibang bansa, malamang na makagawa pa siya ng ilang pelikula this year or just another one movie para sa third installment naman ng pelikula.

Since the movie “Jowable” na siyang launching movie ng singer-actress na si Kim Molina in 2019, there was no stopping Direk Darryl na halos buwan-buwan noon ay may bagong pelikulang ginagawa at lahat hits.

Kahit maraming bashers ang writer-director, no one can argue with success na ngayon pa lamang ay iniisip na ang part 3 ng “Maid in Malacanang” which was shown worldwide last year.

Sarah, Matteo celebrate third year in California

CELEBRITY couple singer, actor, entrepreneur and athlete Matteo Guidicelli and pop superstar Sarah Geronimo celebrated their 3rd wedding anniversary in California, USA last February 20 before the winter is over.

The couple got married in a secret intimate Christian wedding nung February 20, 2020 na pinagmulan ng galit ng ina ni Sarah na hanggang ngayon ay hindi pa rin nare-resolve.

Umaasa naman ang followers ng mag-asawa na sana’y makabuo na sila ng bagong karagdagan sa kanilangpamilya.

“To the love of my life, HAPPY 3 years of marriage!

Looking forward to many more travels, laughs, adventures, food trips, road trips and just experiencing life with you! Thank you for being you! Thank you for the love and care!

#022020,” post ni Matteo sa kanyang IG account.

The couple is expected to be busier sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Snapshots from my daughter’s wedding

AilaAila6GMACharoAila1Aila2Aila3Aila4Aila5Aila7ChavitJuliusHERE are some snapshots sa church wedding and reception of my daughter Aila Marie Amoyo Reyes-Cristobal and husband Emmanuel John Cristobal last Saturday, February 18 held at the Santuario de San Jose in Greenhills, Mandaluyong City and at the ballroom of New World Hotel in Makati City.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE