Dingdong

Dingdong, tinuldukan ang isyu ng pagtakbo sa 2022

June 11, 2021 Ian F. Fariñas 553 views

TINULDUKAN na ni Dingdong Dantes ang usap-usapan na may balak siyang tumakbo sa 2022 elections.

Sa digital presscon para sa three-part 3rd anniversary offering ng infotainment show niyang Amazing Earth sa GMA Network, sinabi ng Kapuso Primetime King na wala siyang kabalak-balak sumabak sa 2022 polls sa kahit na anong posisyon.

Dinenay din niya na may mga kampo na kumukumbinsi sa kanya para tumakbo maging sa party list post.

Hindi rin daw nila ito napag-uusapan ng misis niyang si Marian Rivera sa simpleng rason na talagang wala siyang plano for 2022.

Speaking of Marian, naitanong din kay Dingdong ang tungkol sa muling paglantad ng kanyang maybahay sa social media matapos ang halos isang buwang pagbabakasyon sa mata ng publiko.

Pero ani Dingdong, mas mabuti nang si Marian ang sumagot at magpaliwanag ukol dito.

Gaya nga raw ng sinabi niya sa caption ng kanyang Instagram post, maganda rin na nagte-take sila ng step back para mag-chill.

“Tapos kapag recharged ka na, energized ka na, sabak ka na uli,” diin ng aktor.

Samantala, sa ikatlong taon at sa bagong time slot (Sundays, 7:40 p.m., bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho) ng Amazing Earth, i-feature ang wildlife stories mula sa BBC nature documentary na Seven Worlds, One Planet kasama ang renowned narrator na si David Attenborough mula sa pitong continents sa 41 na bansa.

Bukas, mapapanood ang wildlife living sa European hinterlands at madi-discover ang suspense-filled na gawi ng female brown bears, male musk ox, wolves, red deers at Barbary macaques sa kanilang natural habitats.

May exclusive interview din si eco warrior na si Dingdong kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa Pasig Rainforest Park.

Pag-uusapan nila ang “green side” ni Mayor Vico at ang floating farm concept sa kanyang nasasakupan.

May feature rin sa Bohol at sa misteryosong Tambuko cave and underwater lagoon.

Bukod sa Amazing Earth, naghahanda na si Dingdong para sa isang episode ng I Can See You at ang posibleng pagbabalik-tambalan nila ni Marian sa isang Kapuso sitcom.

AUTHOR PROFILE