Janno Gibbs

Janno, ka-threesome nina Maui at Rose sa ’69+1′

June 11, 2021 Ian F. Fariñas 4880 views

INAMIN ni Janno Gibbs na hindi siya ang original choice para gumanap sa papel ng lalaking makaka-69 nina Maui Taylor at Rose Van Ginkel sa pinakabagong obra ni Direk Darryl Yap sa Viva, ang 69+1.

Hindi na nga lang niya nabanggit pa kung sino ang first choice sa role.

Pero ani Janno, exciting para sa kanya na makatrabaho ang controversial director na nasa likod ng blockbuster hits na Jowable, Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

“But ako, with just the name of direk, who is the hottest director now, eh, ’yun, to get that chance to work with him is exciting for me,” pahayag ni Janno sa virtual storycon ng 69+1, na ani Direk Darryl ay hango sa popular na sexual position.

Handa raw si Janno sa gagampanang papel although ayon sa kanya, may pagka-daring nga ang gagawing proyekto lalo pa’t ang theme nito ay tungkol sa “threesome.”

“Oo naman, ako pa? Medyo pinag-uusapan pa namin ni direk, dini-discuss pa kung papayag ako sa frontal nudity na hinihingi, pinag-iisipan ko pa,” biro ni Janno.

Matatandaan na pulos light comedy ang previous assignments ng singer-actor sa Viva — Sanggano… at ang MMFF entry na Pak Boys.

Ito na ang pinaka-adult project niya, kumbaga.

“I just tell my family that this is naughty and ganu’n, so, ’di na lang nila papanoorin, siyempre. ’Di ba? Normal lang naman ’yon,” paliwanag niya.

Sa tingin niya, naiintindihan naman ito ng mga anak niya.

“Oh, yeah! It’s work,” paniniguro ni Janno.

AUTHOR PROFILE