Derek

Derek at Ellen nag-celebrate sa isang undisclosed place

November 14, 2023 Aster Amoyo 389 views

Derek1Derek2NAG-CELEBRATE sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ng kanilang second wedding anniversary last November 11, 2023 sa isang undisclosed place.

“Exactly a year ago you thought you were going to die but here we are, sooo alive! Happy anniversary my forever GOR! I love you!@ramsayderek07 to many more adventures and our “in your hear’ near death experiences,” pagbati ni Ellen sa kanyang husband on her IG account.

Ito’y sinagot naman ni Derek ng “Giatay I labu”.

The couple celebrated their first wedding anniversary in Lima, Peru na siyang surprise gift ni Ellen sa kanyang mister dahil isa ito sa nasa bucket list ng model, actor-athlete.

It was on November 11, 2021 nang ikasal sa kanilang maituturing na dreamy wedding ang couple na ginanap sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort in Bagac, Bataan with the beautiful sunset as their backdrop.

The couple first met in January 2021 and became a couple the following month and got engaged a month later. In September of the same year, nangyari ang `pamanhikan’ ng pamilya ni Derek sa pamilya ni Ellen in Siargao. Buwan naman ng October nang mangyari ang kanilang pre-nup shoots at kasunod na rito ang wedding preparations.

Ang first kiss ng dalawa ay nangyari sa tuktok ng Mt. Gulugod Baboy in Batangas.

Ang mag-asawa ay parehong may tig-isang anak na parehong lalake – sina Austin (20) sa ex-wife ni Derek, ang non-showbiz na si Mary Christine Jolly at si Elias (5) sa ex-boyfriend ni Ellen, ang actor na si John Lloyd Cruz.

Pangarap din ng mag-asawang Derek at Ellen na magkaroon ng sarili nilang anak.

Samantala, magiging abala si Derek ngayong Kapaskuhan sa pagtulong sa promo ng kanyang Metro Manila Film Festival movie entry na “K(ampon)” with Beauty Gonzalez. Ito bale ang first movie ng actor-model magmula nang sila’y maging couple ni Ellen.

Catriona backstage host sa Miss Universe 2023

CatrionaMissUANG 29-year-old Fil-Australian singer, model, TV personality and 2018 Miss Universe na si Catriona Gray ang isa sa dalawang backstage hosts ng 72nd Miss Universe international beauty competition na gaganapin sa El Salvador on November 18, 2023 at 8 p.m. (November 19 ng umaga sa Pilipinas) kung saan ang model-actress at 2023 Miss Universe Philippines na si Michelle Marquez Dee ang kinatawan ng Pilipinas. Sina Olivia Culpo at Jeannie Mai ang tatayong main hosts kasama ang TV host, presenter, actress at New York Times Best Selling Author, entrepreneur at Emmy award-winning journalist at host ng “Heal Squad” na si Maria Menounos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng all-female ang mga hosts ng Miss Universe.

Ang 44-year-old American hitmaker, Grammy award-winning singer, songwriter, musician, record-producer and actor na si John Legend ang guest performer.

Si John ang nasa likod ng one of the most iconic love songs of all time, ang “All of Me” . He is also behind the hit songs “Tonight (Best You Ever Had)”, “Ordinary People,” “Made to Love,” “Love Me Now,” “So High,” “Glory,” “Preach,” “Used To Love You,” “Hang On There,” “Stay with You,” “Conversations in the Dark,” “Hard Times” and more.

Ang mga tatayong judges ay kinabibilangan ng Fil-Am doctor na si Connie Mariano na isa ring retired flag officer ng US Navy, ang fashion model na si Halima Aden, ang actor-designer na si Carson Kressley, ang mixed martial artist na si Mario Bautista, ang 2016 Miss Universe from France, ang model TV host na si Iris Mittenaere, ang Puerto Rican actress at TV host na si Giselle Blodet, ang best-selling author and successful entrepreneur na si Sweta Patel, ang American social media personality na si Avani Gregg at ang 1977 Miss Unvierse from Trinidad and Tobago-turned politician na si Janelle Commissiong (70).

Sa 71 years history ng Miss Universe, 9 na rito ang napanalunan ng USA at apat naman mula sa Pilipinas.

Baby Peanut may sarili nang Instagram account

PeanutPeanut1Peanut2MAY sarili nang Instagram (IG) account ang first baby ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Isabella Rose Tawile Manzano na my palayaw na Baby Rosie or Baby Peanut. The account is being managed by her popular celebrity parents.

Come December 28 ay ise-celebrate ng mag-asawang Luis at Jessy ang first birthday ng kanilang bundle of joy na si Baby Peanut. Pero bago pa man ang kanyang first birthday celebration ay nadala na ng mag-asawa ang kanilang anak sa Hong Kong Disneyland kung saan ito nag-enjoy nang husto.

Sobrang hands-on parents sina Luis at Jessy pagdating sa pag-aalaga kay Baby Peanut na carbot copy ng celebrity mom ni Luis, ang Star for All Seasons, ang award-winning actress and former politician na si Vilma Santos-Recto.

When Luis is at work, si Jessy ang nakatutok sa kanilang anak bagay na ipinagpapasalamat at hinahangaan ng “When I Met You In Tokyo” star na si Vi.

Dream come true naman para sa ina ni Luis na si Vi ang pagkakaroon ito ng unang apo sa kanyang panganay at nataon pang kamukhang-kamukha niya ang kanyang granddaughter na kapiling niya every Sunday.

Although unang apo ni Vi si Baby Peanut, first granddaughter rin ito ng kanyang ex-husband na si Edu Manzano.

Giliw na giliw din kay Baby Peanut ang kanyang uncle na si Ryan Christian at mister ni Vi si Rep. Ralph Recto.

Coco at Julia may hindi pa nililiunaw na tsismis

CocojulsCocojuls1IN-ENJOY ng longtime partners na sina Coco Martin and Julia Montes ang kanilang first trip sa Europe.

Magmula nang aminin ng “Batang Quiapo” star, co-director at co-producer ang kanilang relasyon ni Julia ay naging bukas na sa publiko ang kanilang mga ginagawa as a couple.

Ang romantic relationship ng dalawa ay nagsimula nung 2012 nang gawin nila ang hit primetime TV series na “Walang Hanggan” na tumagal sa ere ng dalawang taon until 2014.

Although matagal nang nagi-speculate ang publiko sa relasyon ng dalawa, never nila itong inamin.

Maihahalintulad ang relasyon nina Coco at Julia sa longtime relationship ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagsimula sa set ng “Princess and I” in 2012.

Ang hinihintay na lamang sa couple ay ang balita tungkol sa kanilang pagpapakasal na matagal na ring natsitsismis na meron na umanong supling.

JM naimpluwensyahan ni Donnalyn?

JMJM2VLOGGER na rin ang mahusay na singer-actor na si JM de Guzman. Influence kaya ito ng kanyang napapabalitang girlfriend na ngayon, ang Viva artist, singer-songwriter at successful vlogger na si Donnalyn Bartolome na meron nang 9.77M subscribers on her YouTube channel?

Si JM ay meron nang 625K subscribers.

Matagal-tagal na ring panahong naging loveless ang singer-actor after his break-up with actress Jessy Mendiola na masaya na ngayon sa piling ng kanyang husband na si Luis Manzano at anak na si Baby Peanut.

Bukod sa vlogging, singing, songwriting and acting ang common denominator ng dalawa.

Kung si JM ay nasa pangangalaga ng Star Magic, Viva Artists Agency naman ang home studio ni Donnalyn.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE