BBM

Denuke ng Korean Peninsula isinulong ng US, PH at Japan

April 15, 2024 Chona Yu 65 views

MARIING kinondena ng Amerika, Pilipinas at Japan ang nadadalas na banta at pagpapakawala ng balllistic missile gayundin ng multiple intercontinental ballistic missiles ng Democratic Peoples Republic of Korea.

Ginasa ng tatlong bansa ang pahayag matapos ang trilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, US President Joe Biden at Jaoanese Prime Minister Fumik Kishida sa Washington.

Nababahala ang tatlong lider sa matinding banta sa kapayapaan at seguridad na idinudulot ng mapangahas na aksyon ng DPRK .

Binigyang diin ng tatlong lider ang kahalagahan ng pagtugon sa karapatang pantao at humanitarian concerns ng international community, kabilang na ang agarang resousyon sa isyu ng mga pagdukot.

Nagkakaisang hinikayat ng tatlong lider ang DPRK na sumunod sa mahalagang United Nations Security Council resolutions, at iwasan ang patuloy na pag develop, testing at paglilipat ng ballistic missiles sa iba pang bansa tulad ng Russia, na ginamit ang mga missile na ito laban sa Ukraine.

Pinagtibay ng trilateral countries ang kanilang commitment sa kumpletong denuclearization ng Korean Peninsula.

Naniniwala ang tatlong bansa na ang aksyong ito ng DPRK ay may matinding epekto sa seguridad ng Indo-Pacific at European regions.

Nagkakaisang isinusulong tatlong bansa ang isang mundo na walang nuclear weapons, at nanawaan sa mga bansang may taglay nito na itaguyod ang katatagan at transparency at sumali sa mahahalagang dayalogo kung papano mababawasan ang panganib ng nuclear.

AUTHOR PROFILE