Dennis

DENNIS MAY OPEN LETTER KINA CLAUDIA AT LEON

April 10, 2024 Vinia Vivar 109 views

May bagong open letter si Dennis Padilla para kanyang mga anak na sina Claudia at Leon Barretto.

Sa Instagram ay nag-post ang aktor ng larawan nina Claudia at Leon, mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Sa caption ay maikli lamang ang mensahe ni Dennis pero makikita rito ang pangungulila niya sa mga anak.

“Dear Claui n Leon… Hope to see you soon mga anak… God bless you more love you – Papa,” ang mensahe ni Dennis sa dalawa.

Kapansin-pansin na hindi niya isinama ang isa pa niyang anak na si Julia Barretto. Ibig kayang sabihin nito ay nagkita na sila?

Matatandaan na noong April 2, kaarawan ni Leon, ay binati ni Dennis ang bunsong anak sa social media.

“Dear Leon… Happy birthday anak!! Love you… Hope to see you soon,” pagbati ng komedyante.

Sa comment section ay sumagot si Leon at nagpasalamat sa ama.

“Thank you Papa,” ani Leon.

Ang daming natuwa na sumagot na finally si Leon at sey nga nila, magandang senyales ito tungo sa pagkakaayos ng mag-aama.

Kamakailan din ay masayang-masayang ikinuwento ni Dennis na binati siya ng anak namang si Julia noong kanyang kaarawan last Feb. 9.

Ayon sa kanya, napaiyak siya nang matanggap ang mensahe ni Julia at wish niyang makita rin ang anak soon.

As everybody knows, matagal nang hindi nakikita ni Dennis ang mga anak kay Marjorie because of their long-standing feud na hindi maayus-ayos.

Dahil sa magandang development lately between Dennis and his children, marami ang umaasang finally ay magkakayos na sila.

AUTHOR PROFILE