Juday

Juday binitbit si Lucho sa b-day episode ni Ryan sa ‘Eat Bulaga’

April 10, 2024 Jun Nardo 123 views

LUMUTANG si Judy Ann Santos sa live episode ng Eat Bulaga kahapon.

Birthday episode ng asawa niyang si Ryan Agoncillo at kasama ni Juday ang anak niyang si Lucho sa guesting niya sa Peraphy segment ng Bulaga.

Of course, guwaping din si Lucho gaya ng sabi ng ina na tinatawag na rin itong heartthrob kahit wala pa siya sa showbiz.

Nanalo si Juday ng mahigit P40,000. Pero kalahati nito ay napunta sa home partner at dalawa sa studio audience ang naghati sa kalahati sa premyo.

Anyway, soon ay muling magbabalik ang Juday’s Kitchen ni Judy Ann sa online matapos munang magpahinga.

Nabanggit pala ni Ryan na kaedad niya ang Eat Bulaga.

Happy, happy birthday, Ryan!

MARIAN NAGNININGNING ANG GANDA

NAGNININGNING ang ganda ni Marian Rivera nang lumabas na siya sa series niyang My Guardian Alien.

Flawless na flawless ang kutis kaya diyosang-diyosa ang dating!

Naku, kabahan na ang mga katapat na show dahil maghahasik na ng mataas na ratings ang My Guardian Alien dahil makikita na si Yan sa sci-fantasy series.

AUTHOR PROFILE