De Lima muling tatakbong senador

July 21, 2021 People's Tonight 222 views

KINUMPIRMA ni Senadora Leila M. de Lima ang kanyang muling pagtakbo sa eleksyon 2022. Sinabi niya na ang kanyang karanasan ay lalong nagpalakas ng kanyang loob na ipaglaban ang kanyang mga adbokasiya.

“ Nasawi ang volunteer ng Task Force Disiplina at misis nito makaraang pagbabarilin Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Marlon Ornido, 51,tricycle driver, volunteer ng Task Force Disiplina at misis niyang Fe Ornido, 46, vendor at kapwa naninirahan sa Block 3, Lot 12, champaca, Daisy Street, Bgy. Pasong Putik, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-12:30 ng hapon (July 21) nang maganap ang krimen sa mismong tahanan ng mag-asawa sa Bgy. Pasong Putik.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Mark Philip Paule, magkasamang lumabas ang mag-asawa nang salubungin ng mga putok ng baril sa harap ng kanilang tahanan ng ‘riding-in-tandem’.

Ayon sa mga nakasaksi, nang makitang kapwa duguang bumagsak ang mag-asawa ay mabilis na tumakas ang mga suspek na parehong armado ng baril, nakasuot ng green shirt habang ang isa ay nakasuot ng itim na jacket.

Naisugod pa sa Commonwealth Hospital ang mag-asawa pero idineklarang dead-on-arrival bandang ala-1:05 ng hapon ni Dr. Noli L. Rifareal.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang upang kilalanin ang mga nakatakas na salarin.

” Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban,” ani De Lima.

Nakulong ang senadora dahil sa mga paratang ukol sa ilegal na droga mula Pebrero 24, 2017, na maigting naman niyang itinatanggi.

Sa kabila ng kanyang pagkakulong, tuloy-tuloy ang pagsusulong ni De Lima ng mga batas ukol sa hustisya at karapatang pantao. Nakapaghain na siya ng mahigit 500 batas at resolusyon mula nang maupo sa puwesto. Kabilang sa mga inakda niya na ganap nang batas ngayon ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act, Magna Carta of the Poor Act, Community-Based Monitoring System Act, at National Commission for Senior Citizens Act.

AUTHOR PROFILE