Phivolcs

DavOc nilindol

August 29, 2023 People's Tonight 177 views

NIYANIG ng lindol na may lakas na 5.5 ang Davao Occidental noong Agosto 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, tectonic in origin ang pagyanig na naganap.

Nahanap naman ang sentro ng lindol 214 kilometro mula sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, at may kalaliman na 15 kilometro.

Nakaramdam ng Instrumental Intensity I sa Tupi, South Cotabato; Malungon at Kiamba, Sarangani.

Nagpaalaala ang Phivolcs sa mga residente na maging handa sa posible pang mga pagyanig na maaaring sumunod pero hindi naman inaasahang magdudulot ito ng malawakang pinsala.

AUTHOR PROFILE