Apektado ni Goring 63,565 na
UMABOT na sa 63,565 katao sa 333 barangays sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera Administrative Region ang naapektuhan ng bagyong Goring.
Ayon National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa nasabing bilang 4,049 pamilya o 14, 856 katao ang nasa 154 evacuation centers habang 2,628 pamilya o 10,116 katao ang nasa labas ng evacuation centers.
Sa kasalukuyan, wala pa namang naiuulat na nasawi o nasugatan dahil sa bagyong Goring.
Una nang nilinaw ng Office of Civil Defense na marami sa mga apektado ng bagyo ang hindi na kinailangang ilikas pa.
“Together with other government agencies and uniformed services, we continue to ensure that everything needed for response operations is in place. On the part of OCD, as the executive arm of the NDRRMC, we continue to monitor the situation and coordinate response operations.
We have activated the emergency preparedness and response protocols in various regions. These are prescribed measures that need to be taken in the areas.
Also, the NDRRMC’s response clusters, led by different agencies, were activated,” pahayag ni OCD administrator and NDRRMC executive director Ariel Nepomuceno .
Sa ngayon, nagtayo ang gobyerno ng 11 response cluster para masiguro ang sistematikong pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Goring.