Villaruel Isang ex-vice mayor ang inaresto sa Makati City dahil sa talbog na tseke ayon kay P/Lt. Col. Wilson Villaruel, hepe ng MPD Sampaloc PS 4. Kuha ni Jon-jon Reyes

Dating VM arestado sa talbog na tseke

February 10, 2023 Jonjon Reyes 882 views

INARESTO ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station (PS) 4 ang isang umanong dating vice mayor (VM) ng isang lungsod dahil sa kinahaharap nitong mga kaso ng talbog na tseke sa Makati City, Biyernes ng umaga

Ang arrest warrant ng suspek ay may nakahablang two counts na paglabas sa Batas Pambansa (BP) No. 22.

Ayon kay Police Lt. Col. Wilson Villaruel, hepe ng MPD Sampaloc PS 4, ang 58-anyos na suspek ay isa umanong businesswoman at residente ng Valenzuela City.

Base sa ulat ni Villaruel, pasado alas 10:35 ng umaga (Pebrero 10), nang atasan niya ang kanyang mga kapulisan sa pag-aresto sa suspek at naispatan sa Makati City matapos na manmanan ito ng mga operatiba habang patungo umano sa isang court hearing.

Nagpositibo ang pag-aresto dahil sa tip ng isang impormante at sa pangunguna ni PEMS Luis Coderes ng Intelligence and Warrant Station ng PS 4.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Acting Presiding Judge George Andy Pantanosas, MTCC, Fourth Judicial Region, Branch 1 ng Antipolo City, Setyembre 6, 2022.

Inirekomenda ng korte ang P13,000 na piyansa sa bawat kaso.

Ang pag-aresto ay bunga ng programa ni MPD chief Andre P. Dizon na “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

AUTHOR PROFILE