Daniel

Daniel, iniyakan ang pagpapaypay nang maputulan ng kuryente

December 15, 2021 Vinia Vivar 386 views

Sobrang nakaka-touch ang kwento ni Karla Estrada sa hirap na pinagdaanan nila ng anak na si Daniel Padilla noong bata pa ang aktor.

Bilang panganay, si Daniel talaga ang mas nakasaksi ng mga hirap nila noon at siya ang katu-katulong ng ina sa pagtataguyod sa mga kapatid.

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Karla ay binalikan ng huli ang mga hirap na pinagdaanan nila at isa na rito ay nang maputulan sila ng kuryente at kinailangan nilang magsalitan ni Daniel sa pagpapaypay sa mga kapatid nito.

Kwento ni Karla, pagkatapos magpaypay ni Daniel ay tumalikod ito at narinig niya itong humikbi.

At this point ay naging emosyonal na si Karla habang nagkukuwento.

Tinanong ni Toni kung bakit umiyak si DJ noon at sabi ni Karla, up to now, hindi na niya pa nalaman kung bakit dahil ayaw niyang maging dahilan ng ikakalungkot nito.

May time rin daw na habang nasa isang audition si DJ sa ABS-CBN, nagsabi ito sa isang staff na kung pwede ay unahin na siya dahil kailangan pa niyang magsaing at walang magbabantay sa mga kapatid niya.

Well, hindi na kami nagtataka kung bakit sinuwerte sa buhay si Daniel. Ito ay dahil mabuti siyang tao, mabait siyang anak at kapatid.

Of course, bukod pa ito sa angkin niyang talento.

AUTHOR PROFILE