Default Thumbnail

‘Cougar’, 34, pinagsasaksak ng kelot, 26, sa loob ng hotel

July 2, 2023 Jonjon Reyes 321 views

Suspek di naka-iskor?

ILANG ulit pinagsasaksak ang isang 34-anyos na bebot ng 26-anyos na kelot Sabado ng gabi sa loob ng isang silid ng kilalang hotel sa Sta.Cruz, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District Police Station 11, 10 p.m. ng Sabado nang magcheck-in sa nasabing hotel ang biktima kasama ang suspek na nakatira sa Baseco, Port Area.

Dahil sa pinaiiral na Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation at Oplan Galugad Ang mga Kapulisan at habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga operatiba ng nasabing himpilan ay nakita nila ang gulo sa pagitan ng isang security guard at isang lalaki

Nais umanong umalis ng suspek sa hotel kaya pinipigilan ito ng sekyu at dinala sa lobby ng establisyimento.

Sa pag-uusisa, natuklasan na ang roommate ng suspek ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan dahilan para siya ay agad na arestuhin.

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan sa pananaksak. Isa sa tinignan motiboo anggulo ay ang hindi nagkasundo sa presyo o maaring hindi pinagbigyan ng babae ang suspek kaya ito nagalit at pinagsasaksak ang biktima.

Agad isinugod sa pagamutan ang biktima at kasalukuyang inoobserbahan Ng mga kapulisan.

AUTHOR PROFILE