Default Thumbnail

CONGW. MARISSA DEL MAR MAGSINO: SAGIPIN ANG MGA PINOY SA SUDAN

April 27, 2023 Marlon Purification 457 views

Marlon PurificationUMAPELA si OFW Partylist Rep. Marissa del Mar Magsino sa pamahalaan na doblehin ang ginagawang paghahanap at paggalugad sa lahat ng Overseas Filipino Workers na naiipit sa giyera ngayon sa bansang Sudan.

Ayon kay Magsino, kinikilala niya ang kasipagan at katapatan sa trabaho ng mga namamahala sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).

Nagtitiwala siyang hindi nagpapabaya sina DFA Sec. Enrique Manalo at DMW Sec. Toots Ople, ngunit minabuti pa rin niyang maglabas ng pahayag upang mabigyang katiyakan ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa Sudan.

“While we acknowledge the repatriation efforts and strategies of the Department of Foreign Affairs and Department of Migrant Workers to bring home around 700 Filipinos living and working in Sudan, we urge the government to explore more avenues of safely and immediately extricating them from the area,” ani Cong. Marissa.

“We cannot stress enough the urgency of the situation as the fatal clashes in Khartoum continue to endanger the lives of our kababayans. The fierce fighting on the ground also necessitates an action plan for the provision of food and other basic needs of Filipinos in Sudan; they have no other recourse but to look to our own government for help, and we cannot fail them,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Magsino na ang kanialgn tanggapan ay nakikipag-ugnayan na rin sa DFA at DMW upang mapadali ang pagsagip sa mga manggagawang Pinoy sa Sudan.

“Sa ating mga OFWs sa Sudan pati sa kanilang mga pamilya, patuloy po ang ugnayan ng OFW Partylist sa DFA at DMW para sa koordinasyon sa pagtulong sa mga apektadong kababayan,” pahayag pa ng mambabatas.

Nanawagan din ang kongresista sa mga may naiipit na kamag-anak sa bansang Sudan na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang mapabilis ang ibibigay nilang tulong.

Kasabay nito, taimtim din na nananalangin ang kongresista para sa kaligtasan ng lahat ng OFWs at makauwi ng bansa at sa kanilang pamilya.