Campaign

Inoculating kids

April 28, 2023 People's Tonight 216 views

DAHIL sa mahigit na dalawang-taong coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay naapektuhan ang vacination program ng gobyerno laban sa “preventable diseases.”

Ito ay “understandable” dahil ang atensyon ng mga otoridad ay sumentro sa paglaban sa nakamamatay na COVID-19 na nagpalumpo sa ekonomiya ng maraming bansa.

Hanggang sa ngayon nga ay nandiyan pa rin ang panganib na dulot ng pandemya. Sa Metro Manila nga ay umakyat na sa 12.3% ang COVID-19 weekly positivity rate.

Ayon sa Department of Health (DOH), mayroong 429 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas noong Lunes. At 180 dito ay naitala sa pangunahin na rehiyon ng bansa.

Mabuti naman at nanawagan na sa gobyerno ang United Nations Children Fund (UNICEF) “to pay more attention to inoculating babies and toddlers from common diseases.”

Ginawa ng UNICEF Philippines ang panawagan sa paglulunsad nila ng “Chikiting Ligtas” (Safe Little Ones) immunization campaign sa San Juan City, Metropolitan Manila.

Maliban sa COVID-19 pandemic, ang nakaapekto pa sa nationwide immunization program ng gobyerno ay “vaccine hesitancy” at “misinformation.”

Ayon kay Niko Wieland, UNICEF Philippines’ chief of communication, ang “vaccine hesitancy and misinformation stem from lack of education… on the part of parents.”

Kahit noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay maraming magulang ang ayaw pabakunahan ang mga anak dahil sa takot na baka lalong mapahamak ang mga bata.

Pero nawala ang takot ng marami sa bakuna laban sa COVID-19 nang maglunsad ang gobyerno ng information dissemination drive “on the benefits of immunization.”

Tama si Wieland. Dapat gamitin ng gobyerno ang stratehiyang ginamit nito laban sa COVID-19, partikular na sa pagbakuna sa mga bata laban sa common at preventable diseases.

AUTHOR PROFILE