Default Thumbnail

Commercial building sa Kalaw, nasunog

February 17, 2022 Jonjon Reyes 396 views

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division ng Manila Fire District – Bureau of Fire Protection (BFP) kung dahil sa charger ng cellfone o faulty electrical wire ang dahilan ng pagkatupok ng apoy sa isang commercial area, tanghali nitong Huwebes sa panulukan ng T. M. Kalaw at Mabini Sts., sa Ermita, Manila.

Base sa ulat ng BFP, nagsimula ang sunog sa Koikoi Karaoke, bandang 11:00 ng tanghali.

Sa tala ng nasabing ahensiya, umabot sa 2nd Alarm ang sunog at idineklarang “fire out” dakong 12:43 ng hapon.

Ayon kay Honorio Abiso, isa sa umuukupang notary public office sa lugar ng sunog, nakita nitong sumiklab ang isa umanong pinabayaang charger ng cellfone.

Nadamay sa sunog ang mga katabing establisimiyento at batay sa BFP, umabot sa P150,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente maliban sa isang pusa na nakita ng may-ari na may mga paso sa katawan. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE