Coco at Julia sabay nagparehistro sa COMELEC
MUKHANG hindi na itinatago ng rumored sweethearts na sina Coco Martin at Julia Montes ang kanilang relasyon dahil maraming beses na silang nakikita sa iba’t ibang lokasyon at okasyon tulad ng bakasyon nila sa Boracay, sa Greenhills San Juan at maging sa training ni Julia sa pagpapatakbo ng motorsiklo, gun firing at iba’t ibang fight scenes bago siya pumasok sa top-rating and longest-running action-drama series, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco na isa rin sa tumatayong director ng serye. Sabay ding nagpa-rehistro ang dalawa sa isang mall in Mandaluyong para makaboto sa halalan sa susunod na taon (2022).
Matagal-tagal na ring napapabalita ang relasyon ng dalawa na nagsimula sa set ng kanilang pinagbidahang primetime series, ang “Walang Hanggan” mula 2012 hanggang 2014.
Marami naman ang natutuwa para kina Coco at Julia dahil napapanatili nilang pribado ang kanilang relasyon.
Kung si Coco ay abala sa kanyang pagiging actor at director, si Julia naman ay bumalik sa school via online. She’s taking up Business Administration major in Marketing Management sa Southville International School and Colleges where she is a dean’s lister. Ito rin ang school kung saan nagtapos ng B.S. Psychology ang aktres na si Jodi Sta. Maria na isa ring dean’s lister.
Samantala, bukod kina Coco at Julia, nagpa-rehistro rin para maka-boto sa darating na halalan ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo gayundin si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano at hinihikayat nila ang lahat na hindi pa rehistrado na magpa-register at makilahok sa 2022 national and local elections para sa pagbabago.
Mayor Vico may napili nang vice mayor
MULING kakandidato (sa ikalawang term) bilang mayor ng Pasig City si Mayor Vico Sotto (32) , anak ng veteran singer-composer, TV host-comedian and producer na si Vic Sotto at veteran actress na si Coney Reyes. Makaka-tandem ni Mayor Vico ang magbabalik-pulitika na si Robert `Dodot’ Jaworski, Jr. (49), ang mister ng sports official, equestrienne, host at dating actress na si Mikee Cojuangco.
Fourteen years din ang binilang ni Dodot bago muling pasukin ang public service na ang huling bid ay pagka-mayor ng Pasig nung 2007 pero hindi pinalad.
Dodot was only 23 years old nang siya’y manilbihang konsehal ng San Juan nung 1995. Three years later in 1998 ay naging chief of staff siya ng kanyang ama, ang basketball icon at dating senador Robert `Jawo’ Jaworski, Jr. Taong 2004 naman nang siya’y mahalal na kinatawan ng lone district ng Pasig na isang termino lamang niya pinagsilbihan.
Nagpapasalamat si Dodot kay Mayor Vico dahil siya ang pinili na maging running mate nito sa darating na 2022 elections at ka-tiket nila ang kinatawan ng Pasig na si Cong. Roman Romulo.
Samantala, 22 years na ang pagsasama bilang mag-asawa nina Dodot at Mikee na nabiyayaan na tatlong anak na pawang lalake – sina Robbie Vincent Anthony , Rafael Joseph at Renzo Mikael.
Si Mikee ay first cousin ni Kris Aquino.
Yasmien ngayon lang magda-drive ng sasakyan
SA walong taon bilang mag-asawa ng Kapuso singer-actress na si Yasmien Kurdi-Soldevilla at Rey Soldevilla, ayaw payagan ng pilot-husband ng aktres na siya’y magmaneho. Kadalasan ay si Rey mismo ang nagmamaneho para sa aktres kapag wala siyang trabaho. Pero lately ay nagkakaroon ng conflict ang schedule ng work at mga showbiz commitments ng aktres kaya nag-desisyon ang mister ni Yasmien na siya’y bilhan na ng sarili niyang sasakyan bagay na sobrang ikinatuwa ng Starstruck alumna.
Sina Yasmien at Rey ay ikinasal nung January 25, 2012 at meron silang isang anak, ang 9-year-old na si Ayesha Zara, turning 10 on November 22.
Thankful ang aktres na hanggang ngayon ay hindi siya pinababayaan ng kanyang home studio, ang GMA, pagdating sa work. Kasalukuyang nasa lock-in taping si Yasmien para sa kanyang upcoming new TV series, ang “Las Hermanas” na siya ring magsisilbing first TV series ng actor na si Albert Martinez sa Kapuso network. Unang serye rin ito ng bagong Kapuso actress na si Faith da Silva na nali-link ngayon sa veteran actor.
Kakandidato mula showbiz dumarami pa
SA araw na ito ng October 1 (Friday) hanggang October 8 (Friday) ay mag-uumpisa na ang filing of candidacy ng mga kakandidato sa iba’t ibang posisyon sa Commission on Elections (COMELEC). Maraming datihang politicians ang magpapatuloy sa kanilang public service at marami rin na new candidates ang lalahok sa darating na halalan. Marami rin ang makikilahok sa halalan mula sa showbiz at kasama na rito ang mga first timers sa politics na sina Claudine Barretto, Nash Aguas, Ejay Falcon, Javi Benitez, Angelu de Leon, Bobby Andrews at iba pa. Balik ang aktres na si Alma Moreno sa muling pagtakbo sa pagka-konsehal ng isang distrito ng Paranaque na kanyang pinagsilbihan noon ng tatlong termino o siyam na taon.
Si Angelu ay tatakbo sa pagka-konsehal ng 2nd district ng Pasig under the ticket of releectionest mayor na si Vico Sotto. Ang dati naman niyang ka-loveteam na si Bobby Andrews ay tatakbo sa pagka-konsehal din ng ika-apat ng distrito ng Quezon City habang ang aktres na si Aiko Melendez ay kakandidato naman sa pagka-kongresista para sa ika-limang distrito ng Quezon City.
Kung ang actor-politician at present mayor ng Maynila na si Isko Moreno ay tatakbo sa pagka-Pangulo ng bansa, ang actor-politician ding si Yul Servo ay kakandidato naman sa pagka-vice-mayor ng Maynila.
Marami-rami pa ang ibang showbiz personalities ang kakandidato sa darating na halalan at makukumpirma lamang ang kanilang kandidatura kapag nakapag-file na sila mula sa araw na ito hanggang sa October 8.
Gusto namang magbalik-senado ng half-brothers na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito at muling tatakbo sa ikatlong term sa kongreso si Rep. Vilma Santos-Recto gayundin si Lani Mercado bilang mayor ng Bacoor, Cavite.
Ang dating mayor ng Tacloban City na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez ay pahinga muna sa kanyang political career magmula nang siya’y magbalik-showbiz early this year.
Inaabangan naman ng marami kung muling papasok sa pulitika ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista matapos itong magpahinga pagkatapos ng kanyang three-term bilang mayor ng Quezon City.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.