ashdre

Andre at Ashley, puring-puri si Julia

September 30, 2021 Ian F. Fariñas 351 views

SUMABAK na si Andre Yllana sa kauna-unahan niyang proyekto bilang bagong Viva Artist Agency talent. Siya at ang anak ni Joko Diaz na si Ashley Diaz ang mga bagong tauhan sa ’Di Na Muli, ang serye nina Marco Gumabao, Julia Barretto at Marco Gallo na napapanood sa TV5 tuwing Sabado ng gabi.

Sa virtual mediacon na ibinigay ng Viva para sa dalawang baguhan, sinabi nina Andre at Ashley na gusto nilang makatrabaho muli si Julia dahil sobrang bait nito sa kanila.

Sa lock-in taping, wala raw itong kaere-ere at hindi sila trinato bilang mga baguhan.

If at all, sobra raw itong naging mabait sa kanilang dalawa at napakadali pang lapitan sakaling may kailangan silang tulong kaugnay ng kanilang mga eksena sa ’Di Na Muli.

Dagdag na kwento pa ni Ashley, textmates sila ni Julia. Katunayan, touched daw siya sa heartwarming response nito sa kanya nang minsang mag-text siya sa dalaga.

As for their young partnership, matagal na umanong magkakilala sina Andre at Ashley bago pa man pinagsama sa ’Di Na Muli. Pero dahil sa dalas na pagsasama sa taping, lalo pa raw silang naging close sa isa’t isa.

Sa ngayon, anang dalawa, nasa “getting-to-know-you” stage pa rin ng pagkakaibigan nila.

Type ni Andre ang pagiging prangka ni Ashley habang si Ashley naman, bilib sa pagiging sobrang thoughtful ni Andre.

AUTHOR PROFILE