Sunshine

Sunshine, na-trauma sa pa-‘House Tour’

September 30, 2021 Ian F. Fariñas 437 views

KUNG ang Braless Goddess na si Sunshine Guimary ang tatanungin, hindi wise na gawing content sa vlogs ang sikat ngayong house tour.

In fact, nagsisisi siya sa ginawang house tour vlog dahil naging biktima siya ng isang stalker.

Sa online mediacon para sa latest project niyang House Tour na mapapanood sa Vivamax sa October 22, sinabi ni Sunshine na, “Lesson learned sa akin na nag-house tour ako sa bahay ko na hindi ko dapat ipinakita nang buong-buo mula sa pagpasok sa gate at kung saan ko inilalagay ang mga gamit ko sa loob ng bahay.

“Bilang vlogger at YouTuber darating talaga sa part na mauubusan kayo ng content at once kasi na ‘yung mga suki mong viewers, number one talaga nilang nire-request ‘yung house tour. So nagawa ko nga at I regret talaga na ginawa ko na madetalye na mali ko na hindi ko dapat ginawa.

“Lahat ng nakatayo sa bahay nasabi ko, ganu’n ka-informative. Nag-regret ako kasi masyadong madetalye pati wardrobe kung saan ko inilalagay lahat ng gamit ko pagdating ko sa bahay. Lumipad siya from ganitong place dumating siya sa subdivision tapos sabi niya puprotektahan daw niya ako something-something.

“Nagsiga-siga na si guard at sinamahan, sabi ko ‘bakit n’yo tinunton sa bahay, puwede naman sa admin office na lang (subdivision)?’

“Eh, kasi ako raw ang sadya, si tao dumating ng 2 a.m. sabi ko, ‘paalisin n’yo po o mag-book na lang siya sa hotel o kung anuman diyan at mag-usap na lang kami kinabukasan.’

“Kasi 2 a.m. nangyari, tulog na ako at tumatawag ‘yung guard. Sabi ko hindi ko siya kakausapin kasi hindi tama ‘yung oras. So si mama (’yung stalker) naghintay hanggang kinabukasan na, 6 a.m., nandu’n pa rin siya sa guardhouse at ayaw niyang umalis. So dinala ni guard sa bahay at alam niya ang location ko lahat at nandoon siya sa front gate.

“So tinanong ko kung anong sadya at sabi niya, ‘mahal na mahal daw niya ako at puprotektahan niya ako kasi may a-attack daw sa akin. Tapos kami 8 a.m. as in mainit na sa labas lahat kami pawis na pawis at kaming lahat gutom na kasi walang breakfast.

“So, it turned out na tumawag na lang kami ng pulis at sabi ko na kung nakapagpamasahe (gumastos) ako na po magpapamasahe sa inyo pabalik kung saan man kayo galing. Trauma ang nangyari sa akin as in two weeks na hindi ako lumabas at hindi ako puwedeng walang kasama as in ‘yun ang lesson talaga na worst ang nangyari.

“Kaya dito sa movie (House Tour), paano pala kung ganito nangyari, buhay pa kaya ako?” pagbabalik-tanaw ni Sunshine.

Anyway, timely nga ang topic na nakapaloob sa bagong obra ni Direk Roman, kung saan kasama rin sa cast sina Diego Loyzaga, Cindy Miranda, Marco Gomez at Mark Anthony Fernandez.

AUTHOR PROFILE