Janella

Janella, nagpasipsip ng taba

September 29, 2021 People's Tonight 555 views

NAGPASIPSIP ng sobrang taba sa katawan si Janella Salvador upang bumalik sa kaseksihan.

Unang ginusto ni Janella na mabawasan ang taba sa pamamagitan ng natural way.

Pero nakumbinse siya ni Dr. Vicki Belo na sumailalim sa liposuction, ayon sa Instagram post niya.

Satisfied naman ang young mom sa procedure.

Pinaalahanan din niya ang mga ina na huwag kalimutan ang sariling kaligayahn pero panatiliin ding malusog ang anak.

May isa nang anak si Janella sa showbiz partner.

PALIT TIMESLOT

MAPAPANOOD na tuwing Linggo ng hapon after Dear Uge ang Regal Studio Presents.

Unang napanood ito nang Sabado ng gabi, eh, dahil papasok na sa orig timeslot nito ang The Clash Season 4 nina Julie Anne San Jose,

Rayver Cruz, atbp., sa Sunday, October 3, kaya nailipat ng araw at oras ang collab series ng GMA at Regal Entertainment.

Ngayong Linggo, ang episode na Ikaw Si Ako, Ako Si Ikaw, na kinabibilangan ni Kokoy de Santos at Shaira Diaz, ang mapapanood. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE