Christine

Christine hindi ikinahihiya ang dating trabaho

February 24, 2022 Aster Amoyo 1121 views

Christine1VIVA Films nymphet Christine Bermas is finally launched in “Moonlight Butterfly” pagkatapos ng tatlong magkakasunod na sexy movies under the film outfit, ang “Silab” in 2021 at ang magkasunod na “Siklo” at “Sisid” this year all directed by award-winning directors na sina Joel Lamangan, Roman Perez, Jr. and Brillante Mendoza.

Christine is reunited with Direk Joel in her launching movie “Moonlight Butterfly” written by Eric Ramos where she is paired with two Kapamilya actors na sina Kit Thompson at Albie Casino.

At the virtual press conference for the movie, all praises si Direk Joel sa kanyang stars sa pelikula na pawang mahuhusay sa acting at professional sa kanilang trabaho. Sinabi rin ng award-winning director na malayo ang mararating ni Christine hindi lamang sa larangan ng pagpapa-sexy kundi dahil may ibubuga ito sa pag-arte bagay na ikinatuwa ng baguhang aktres from Palawan.

Ang kahirapan ng kanyang pamilya ang nagbunsod kay Christine na mangarap na mag-artista na unti-unti na niyang natutupad.

Hindi rin ikinahihiya ni Christine na nung siya’y 14 years old ay namasukan siyang stay-out helper at nagtinda rin umano siya ng banana cue at mga kakanin para makatulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Naging member din siya ng isang all-female teen sing and dance group na Belladonnas. She was 16 nang siya’y sumali sa Circle of 10 contest in Palawan kung saan siya na-discover para mag-showbiz.

Siya’y isinama ni Direk Brillante Mendoza sa pelikulang “Pola (Red Earth)” na pinagtatambalan ng rumored sweethearts na sina Coco Martin at Julia Barretto gayundin sa isa pang pelikula ni Direk Joel Lamangan, ang “Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa”.

Since pinasok ni Christine ang pag-aartista, parati niyang ginagawang motivation ang kanyang pamilya para lalo pa niyang pagbutihan ang kanyang trabaho.

“Sana, hindi lamang ang pagpapa-seksi ko sa movie ang mapansin sa akin ng mga tao kundi maging sa acting,” pahayag pa niya.

Sadyang masuwerte si Christine dahil pawang award-winning filmmaker ang kanyang nakakatrabaho.

“Thankful po ako sa Viva sa kanilang pagtitiwala,” pahayag ng tila mahiyain at virginal beauty na si Christine.

KitKit1Kit naging mas busy pagbalik ng Pilipinas

FILIPINO-New Zealander ex-PBB housemate-turned Kapamilya actor Kit Thompson (25) is one of the most sought-after actors sa kasalukuyan dahil hindi ito nawawalan ng proyekto both sa telebisyon at pelikula. The award-winning actor was last seen sa Kapamilya hit primetime drama series na “La Vida Lena” na pinangunahan ni Erich Gonzales kasama sina Carlo Aquino at JC de Vera among others na kamakailan lamang nagtapos sa ere.

Si Kit ay isa sa dalawang leading men ni Christine Bermas sa launching movie nitong “Moonlight Butterfly” na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan na first time niyang nakatrabaho. Ito rin bale ang second project ng actor with Viva Films after “Ang Sarap Mong Patayin” na dinirek ni Darryl Yap kung saan naman niya nakatrabaho ang Miss Universe runner-up na si Ariella Arida.

Kit who turned 25 recently was only 15 years old nang siya’y mapasama sa reality talent show na “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4” in 2012 na kanyang naging pasaporte sa showbiz.

After his PBB stint ay naging sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto both sa TV at movies. Siya’y napasama sa cast ng drama series na “Kahit Puso’y Masugatan,” “Born For You,” “Forevermore,” “Dolce Amore” at “La Vida Lena”. Kasama rin siya sa upcoming Kapamilya series na “Flower of Evil” na pinangungunahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.

It was in 2016 when Kit took a leave of absence from showbiz and flew to New York City, USA to take-up a one year course in filmmaking at the famous New York Film Academy and a six-month acting course at Susan Batson Studio, also in New York. At sa kanyang pagbabalik-showbiz in 2018 ay naging sunud-sunod na ang kanyang proyekto.

He considers it an honor working with Direk Joel in “Moonlight Butterfly”.

Kit is in currently in a relationship with sexy actress Ana Jalandoni.

AlbieAlbie naka-move on na

AFTER getting entangled in a controversy in 2011 involving his ex-girlfriend na si Andi Eigenmann, 28-year-old actor Albie Casino has definitely moved on since then.

Albie is one of the two leading men of Viva’s nymphet Christine Bermas in Viva Films upcoming sexy-drama movie “Moonlight Butterfly” si Kit Thompson. Bukod sa nasabing pelikula, may ginagawa ring bagong TV series ang actor sa ABS-CBN, ang “How To Move On in 30 Days” at ang iWant TFC original na “Bola Bola”. Naging bahagi rin siya ng reality talent show na “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” nung isang taon. He also did a good job playing a gay friend ng character ni Yam Concepcion sa primetime hit TV series na “Ang Iyo ay Akin” kasama sina Gerald Anderson at JM de Guzman in 2020.

Kung marami ang mga actor na jobless hanggang ngayon dahil sa pandemic at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, Albie is glad na hindi umano siya nawawalan ng proyekto hanggang ngayon bagay na kanyang ipinagpapasalamat.

‘Mamasapano,’ natapos na

MASAYANG ibinalita sa amin ng lawyer-film producer na si Atty. Ferdie Topacio na tapos na rin finally ang principal photography ng kanyang dream project na “Mamasapano” which was co-directed by Lawrence Fajardo at Lester Dimaranan mula sa panulat ng award-winning writer na si Eric Ramos. Ang nasabing pelikula ay nasa gitna ngayon ng post-production phase and getting ready for release anyday soon. Pero ito’y pinag-iisipan pa ni Atty. Topacio kung ito’y isasali niya sa 2022 Metro Manila Film Festival o sa mas maagang playdate niya ito ipapalabas considering na hindi pa ganoon ka aggressive ang moviegoing public sa panonood sa mga sinehan.

“We’re just waiting for the right timing,” ani Atty. Topacio who also sings the theme song of the movie.

The true-to-life movie after the fallen SAF-44, “Mamasapano” is an ensemble movie na pinangungunahan ni Edu Manzano kasama sina Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Gerald Santos, Allan Paule, Rey `PJ’ Abellana, Jojo Abellana, Jojo Alejar, Claudine Barretto, Ritz Azul, Myrtle Sarrosa at marami pang iba.

Naunang nang ipinalabas ng Borracho Films in cooperation with Viva Films sa Vivamax ang balik-tambalan ng dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, ang “Deception” na pinamahalaan ni Joel Lamangan.

May mga naka-line-up na ring ibang projects ang film company ni Atty. Topacio na malapit nang simulan.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE