Cherrie inilihim ang sakit na kanser

August 7, 2022 Aster Amoyo 1020 views

EddieCherrigil1Cherrigil2

IT must be very difficult for the veteran actors-couple na sina Eddie Mesa (82) at Rosemarie Gil (80) that two of their three children are gone –sina Mark Gil at Cherie Gil, who both passed on in their 50’s.

Si Mark ay sumakabilang-buhay nung September 1, 2014 sa edad na 53 at 59 naman si Cherie nang ito’y mamaalam nung August 5 sa sakit na cancer. Tanging ang kanilang panganay na anak na si Michael de Mesa ang naiwan at ang kanilang 13 grandchildren and great grandkids.

When Eddie (who was among the`60s matinee idols at Sampaguita Pictures) and Rosemarie decided to retire from the limelight, nagpatuloy ang kanilang tatlong anak na sina Michael, Mark at Cherie at sumunod sa kanila ang iba nilang mga apo na sina Sid Lucero, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Ryan Eigenmans, Andi Eigenmann at Max Eigenmann. Tanging ang tatlong anak ni Cherie na sina Jay, Raphael at Bianca ang hindi nagka-interes sa showbiz. All three are currently based in New York City, USA at nakasama ng singer-actress sa kanyang mga huling sandali.

Bago bumalik ng New York si Cherie ay ibinenta niya lahat ang kanyang mga gamit sa Pilipinas at nakuha pa nitong mag-pictorial and interview with Mega Magazine for its 30th anniversary issue kung saan siya nagpa-kalbo.

“I just had to make sure that first and foremost, my mental, emotional, spiritual states were getting top priority,” pahayag niya sa panayam sa kanya ng Mega Magazine, her last magazine cover.

“I was getting tired of myself and I was just so angry and unhappy so I sold everything and packed up,” patuloy pa niya.

Unknown to many ay may pinagdadaanan na noon ang singer-actress na minabuti niyang sarilinin lamang. She was undergoing therapy and counselling when she was still in Manila. People were not even aware that she had cancer. But if there was something good na nangyari sa kanyang pagbabalik ng New York, she spent her remaining months and days with her children and her ex-husband, ang internationally-renowned Israeli violinist na si Rony Rogoff na nakabalikan umano nito upon her return to the Big Apple.

Maaga mang lumisan si Cherie, mananatili sa alaala ng mga taong nagmamahal sa kanya ang kanyang husay hindi lamang sa larangan ng pagkanta (na kanyang minana sa kanyang amang si Eddie Mesa) kundi bilang isang de kalibreng aktres at primera contravida. She will always be remembered sa kanyang classic line na “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat” mula sa classic hit movie na “Bituing Walang Ningning” na pinagsamahan nila ng kanyang bestriend, ang megastar na si Sharon Cuneta na dinirek ng yumaong si Maning Borlaza under Viva Films at ipinalabas nung 1985. Sa nasabing pelikula naging mag-best friends ang dalawa.

Cherie will be sorely missed not only by her family and lovedones kundi maging ng mga taga-industriya laluna ng mga taong kanyang nakatrabaho.

Amy

Amy naiiba sa mga pinsan na sina Lorna T at Zsa Zsa

SINA Lorna Tolentino, Zsa Zsa Padilla at Amy Perez ay first cousins. Sa tatlong magpi-pinsan ay si LT ang unang pumasok sa showbiz. Si Zsa Zsa ay nagsimula bilang singer bago nag-artista habang si Amy ay hosting na talaga ang hilig sa simula pa lamang pero matagal siyang naging bahagi ng hit sitcom noon ng ABS-CBN, ang “Palibhasa Lalake” at nakagawa rin siya ng ilang pelikula.

Sa magpipinsan, si LT ang pinaka-panganay, sumusnod si Zsa Zsa at si Amy naman ang bunso.

At 52, Amy has three kids. Ang kanyang panganay na si Adi Perez ay anak niya sa kanyang ex-husband, ang singer na si Brix Ferraris who suddenly disappeared when Adi was very young. Up to this very day aywala pa ring idea si Amy and her son sa whereabouts ni Brix.

Maraming taon din ang ipinaghintay ni Amy bago na-annul angkanyang kasal kay Brix at tuluyang mapakasalan ang kanyang second husband na si Carlo Castillo with whom she has two younger sons.

Ayon kay Amy, napaka-suwerte umano niya kay Carlo ( who is tenyears her junior) dahil bukod sa isa itong responsible husband and father, hindi lamang siya ang minahal nito kundi maging si Adi na itinuring niyang parang sarili niyang anak at tumayong father figure sa bata.

Pero dahil binata na ngayon si Adi ay nag-desisyon itong bumukod na at maging independent.

Kung nakaranas man noon ng emotional pain si Amy sa paghihiwalay nila kanyang unang mister, pinawi ito lahat ni Carlo.

Si Amy ay may dalawang daily program sa Kapamilya Channel, ang morning show na “Sakto” at bahagi rin siya ng noontime program na “It’s Showtime”.

Abangan ang aming exclusive na panayam kay Amy sa aming online show on my YouTube channel, ang “TicTALK with Aster Amoyo” sa darating na Biyernes, August 12 at 12:00 noon.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with AsterAmoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

AUTHOR PROFILE