Default Thumbnail

Chel Diokno, kakampi ng bawat inaabusong Filipino

January 12, 2022 Vic Reyes 739 views

Vic ReyesKAAWA-AWA naman ang mga kandidatong kapos sa pondo.

Gusto man nilang iparating sa mga tao ang kanilang mensahe ay nahihirapan sila dahil nga sa kakulangan ng pondo para gawin ito.

Hindi sila makasabay sa mapeperang kandidato.

Ito ang mga gusto nating tulungan para maipaabot man lang kanilang programa sa publiko.

Isa na rito si Chel Diokno.

Nanghihinayang tayo sa kanyang husay at katapatan.

Ilang beses ng tumakbo sa pagka-senador si Chel pero hindi pinalad dahil mas sikat at mapepera ang kanyang mga nakalaban.

Si Chel ay kilalang human rights lawyer, chairman ng free legal assistant group (FLAG) at founding dean ng DeLa Salle University College of Law.

Simple, malumanay at hindi arogante, nakasisiguro tayo na kapag nailuklok natin si Senado, may kakampi na ang bawat inaabusong Filipino.

Ito na pagkakataon natin na magkaroon ng tunay na boses ang bawat Filipino sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Huwag rin natin kalimutang isama si dating PNP chief Gen Guilor Eleazar. Isang lingkod-bayan na inilaan ang mahigit tatlong dekado ng kanyang buhay sa paglilingkod sa ating bayan.

***

Halos tatlong linggo na lang ay magsisimula na ang official campaign period ng national candidates.

Ang ibig sabihin nito ay puwede ng mangampanya ang mga kakandidato para sa presidente, bise presidente at mga senador.

At pasok na sila sa mga panuntunan ng Comelec.

Kaya kailangan na nilang baklasin ang mga tarpaulin at billboard sa mga kalsada na nagpapaala sa publiko na mag-ingat sa COVID-19.

Nandiyan pa ang mga tarpaulin na bumabati sa publiko nitong nagdaang Pasko’t Bagong Taon.

Ngayon pwede na nilang palitan ang mga tarpaulin ng vote for president o vote for senator.

Mauutak kasi ang mga kandidato.

Kahit hindi pa panahon ng kampanya ay parang sininulan na rin nila ang pangangampanya.

Ang gagaling magpalusot.

Pero paalala natin sa mga botante, suriin ninyong mabuti ang bawat kandidatong iboboto niyo.

Tandaan niyo anim na taon sa pwesto ang mahahalal na presidente, bise presidente at labindalawang senador.

***

Grabe ang bilis ng hawaan ngayon ng COVID-19.

Kapag nagkasakit ang isang miyembro ng pamilya ay damay-damay na ang lahat.

Mabuti na lang at mild lang ang tama ng Omicron variant.

Ang problema nga lang, madaling nakakahawa ang variant na ito.

Kaya kailangan pa rin mag-ingat kahit bakunado na ang mga may comorbidities, senior citizens at mga batang hindi bakunado.

Ayon sa datos ng DoH, karamihan ng naoospital na kritikal ay ang mga matatanda at mga may sakit.

Ang 85 porsiyento naman ng namamatay ay ang hindi mga bakunado.

Kaya nga hindi pwedeng ipagwalang-bahala ang Omicron kahit na sinasabing mild lang ang tama.

Sumunod pa rin tayo sa mga health protocol.

Hindi natin alam hanggang kailan mananalasa ang salot na COVID-19.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang bukng pangalan at tirahan)

AUTHOR PROFILE

Opinion

SHOW ALL

Calendar