Default Thumbnail

Tama ang mga NCR mayors

January 12, 2022 Allan L. Encarnacion 359 views

Allan EncarnacionTAMA ang mga NCR mayors na hindi na kailangang magdeklara pa ng Alert Level 4.

Kapansin-pansin na maraming negosyo ang nagsara nitong mga nakaraang araw hindi dahil gusto nila bagkus ay natakot sa Omicron surge.

May ibang negosyo naman ang napilitang magsara dahil karamihan sa kanilang mga empleyado ay tinamaan na rin ng virus.

Ang mga tao naman, nagkusa na lang manatili sa bahay dahil sa banta ng sakit. Kaya nga sa mga major roads sa Metro Manila nitong mga huling araw ay parang abandonado na naman kahi hindi Alert level 4.

Ang panawagan natin sa lahat, pakaingat tayo dahil parang kahit saang sulok ay naroon ang virus na tumatama sa ating mga kababayan.

Stay safe po tayo.

[email protected]