
Chavit gustong tulungan ang film industry
“GUSTO kong makatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino,” pahayag ng business tycoon at dating politician na si former Ilocos Sur governor Chavit Singson nang ito’y humarap sa entertainment media and vloggers last Monday, March 31 sa kanyang tahanan in Corinthian Gardens, Quezon City na may kinalaman sa kanyang paglagda ng MOU sa pagitan ng kanyang kumpanya at ng Pinoyflix Films and Entertainment Production para sa pelikulang “Beyond the Call of Duty” na pinamamahalaan ng supervising producer at director ng pelikula na si Jose R. Olinares, Jr. or Direk JR.
Ang pagsasapelikula ng “Beyond the Cal of Duty” ay alyansa rin sa Philippine National Police PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP) at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc.
Ang 15% ng kikitain ng pelikula ay direktang mapupunta sa OLC Foundation, Inc. na ang benefiary at ang ating mga men in uniform na isinusuong ang sariling buhay sa ngalan ng serbisyo,
Ang nasabing proyekto ay suportado rin ng Department of the Interior and Local Government and BFP.
Ang mag-amang Chavit at Staphanie Singson ang tatayong executive producers ng nasabing proyekto.
Ang pelikulang “Beyond the Call of Duty” ay magsisilbing tribute sa katapangan at sakripisyong ipinakikita ng mga police personnel and officers at firefighters na isinuuong ang mga buhay sa tawag ng public service.
Bukod sa pelikulang nabanggit, may dalawa ring pelikulang nilagdaan si Manong Chavit sa pakikipag-alyansa with GMA Pictures.
Sinasanay naman ngayon ng businessman at dating politician ang isa sa kanyang mga anak na si Stephanie Singson sa pamamahala ng kanilang film production ventures.
Samantala, maraming supporters ni Manong Chavit ang nanghinayang nang umatras ito sa kanyang kandidatura sa pagka-senador para sa darating na mid-term election matapos na siya’y magkasakit ng pneumonia. Pero sa kabila nito ay patuloy pa rin ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan kahit wala siya sa public service.
Unknown to many, hanggang ngayon ay marami pa rin siyang mga scholars ang nagpapatuloy sa kanilang pag-aaral at marami na rin sa mga ito ay nagsipagtapos at may mga trabaho na at nakakatulong na sa kanilang mga pamilya.
Ikinuwento rin ng business tycoon na naging bisita niya kamakailan lamang ang Hollywood veteran actor at Belgian martial arts artist na si Jean-Claude van Damme na nakatakda umanong gumawa ng pelikula sa Pilipinas at plano nitong isama ang ilang Filipino actors.
Since may mga negosyo si Manong Chavit hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa at kasama na rito ang South Korea, marami rin siyang nakikilalang mga South Korean showbiz personalities at ang ilan sa mga ito ay bumisita na sa kanyang mala-paraisong lugar sa Balauarte in Vigan Ilocos Sur maging sa kanyang bagong mansion in Narvacan.
Ongoing na rin ang renovation ng kanyang pag-aaring Metrowalk in Ortigas Center which will be converted into a mini-Seoul, Korea.
Suportado rin ni Manong Chavit ang jeep modernization at nakalaan siyang mamuhunan ng mga modern jeepneys sa mababa at affordable na halaga para sa mga jeepney operators and drivers.
Sa lawak ng mga negosyong pag-aari at pinatatakbo ni Manong Chavit, ang pagtulong sa mga nangangailangan ay matagal nang kasama sa kanyang programa.
At 83 (turning 84 on June 21), retirement is not part of his immediate agenda. Bukod sa meron siyang mga tumatayong CEO sa bawat kumpanya (over a hundred), involved na rin sa kanyang mga negosyo ang kanyang mga anak.
Klarisse idol si Michelle
MARAMI ang nagulat at humanga sa Kapamilya singer at isa sa mga housemates ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Collab” na si Klarisse de Guzman msatapos umamin na siya’y bi (bisexual) na matagal din niyang itinago sa publiko out of fear na siya’y mahusgahan at maapektuhan ang kanyang singing career.
Inamin ng 1st runner-up ng unang season The Voice of the Philippines nung 2013 na may karelasyon siya ngayon (of same sex) na si Christina `Trina’ Rey at apat na taon na umano ang kanilang relasyon at ito’y alam ng kanyang pamilya at ibang mga kaanak.
Ngayon ay maluwag na umano ang kanyang pakiramdam at handa na siyang harapin ang lahat nang walang guilt na nararamdaman.
Agad namang nag-post ang kanyang partner na si Trina sa kanyang social media account ng pagiging proud, pagmamahal at suporta kay Klarrise.
Ipinaabot din ni Klarisse ang pagiging inspirasyon sa kanya ng 2023 Miss Universe Philippines house guest na si Michelle Dee na isa ring self-confessed bisexual.
Si Klarisse ay siya ring tinanghal na winner sa 3rd edition ng “Your Face Sounds Familiar” nung 2021.
AC at Ashley maraming natutunan sa PBB
tatlong linggo lamang namalagi sa loob ng PBB house ang first evictee duo na sina AC Bonifacio at Ashley Ortega, it was a humbling experience for them at marami umano silang natutunan at realization doon.
Hindi naiwasan nina AC at Ashley ang maging emotional nung sila ang unang ma-evict sa PBB house dahil nakabuo sila ng `pamilya’ at mga kaibigan sa loob ng PBB house.
Ngayon, balik sila sa kanilang trabaho na baon ang mga natutunan nila sa loob ng bahay ni Kuya.
Alden binasted ni Kathryn?
DAHIL sa pakikipag-alyanya ng Myriad Entertainment ni Alden Richards with Viva, maraming magagandang possibilities and opportunities ang puwedeng mangyari at kasama na rito ang paggawa ng mga proyekto kung saan niya makakasama ang mga Viva stars.
Isa sa mga Viva stars na gusto niyang makatrabaho ay si Anne Curtis na unang nakilala sa bakuran ng GMA. Pero mauuna ang kanyang magkahiwalay na film projects with Heaven Peralejo at Julia Barretto na ang isa ay hindi lamang siya co-star kundi siya rin ang director.
Tulad ni Dingdong Dantes na malayo na ang narating bilang isang mahusay na actor, host at businessman, ito rin ang gustong tahakin ni Alden na sa edad 32 ay isa nang matagumpay na actor, celebrity endorser at negosyante.
Samantala, marami ang nagtataka kung bakit bigla na lamang umano itong bumitaw sa kanyang panliligaw sa Kapamilya superstar at co-star the record-breaking movie na “Hello, Love, Again” na si Kathryn Bernardo.
Binasted ba siya ni Kathryn o hindi pa lang talaga ready ang una na muling magkaroon ng panibagong relasyon after her much celebrated break-up with her ex-boyfriend of 11 years, ang matinee idol na si Daniel Padilla?
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.