Matt

Matt naka-relate sa acclang karakter sa ‘Sinagtala’

April 4, 2025 Vinia Vivar 135 views

Masayang-masaya ang Kapuso actor na si Matt Lozano sa mga papuring natatanggap ng pelikula nila nina Rhian Ramos, Arci Munoz, Rayver Cruz at Glaiza de Castro na “Sinagtala.”

Kasama namin si Matt na nanood ng block screening ng “Sinagtala” last Wednesday sa SM Aura at sey nga niya, pangatlong beses na niya itong napanood.

Ginagampanan ng aktor sa pelikula ang papel ni Isko, isang gay na hindi makalantad dahil takot na baka hindi siya tanggapin ng ama.

When asked kung paano siya naka-relate sa kanyang karakter, aniya, “Sobrang naka-relate ako sa karakter ko kasi pareho kaming musician.”

Siyempre, kahit hindi siya gay in real life, nakikisimpatiya siya sa kanyang karakter na si Isko dahil hindi nga ito makapag-out.

Pero diretso rin niyang sinabi na kung siya ‘yun in real life ay sasabihin niya ang totoo.

“Kung ano ako, mag-a-out talaga ako. Pero straight naman po ako, wala po akong ia-out,” aniyang natatawa.

Nirerespeto raw niya ang mga gay na hindi makapag-out, “Kasi, wala namang ibang may karapatan na maglantad ng gender nila kundi ‘yung sarili lang nila.”

Payo niya sa mga kloseta na hindi pa makalantad, “Kung hindi pa kayo ready, okay lang ‘yan. Kung ready na kayo, mas makakaluwag siguro sa inyo na i-out n’yo.”

` Samantala, ipinakita ni Matt sa pelikula na kahit baguhan pa lang siya ay kaya niyang makipagsabayan sa acting sa kanyang co-stars. Gustong-gusto namin ang bathroom scene niya with Arci at ang basketball scene with Benjie Paras na incidentally ay fave scenes din niya.

May kanya-kanyang kwento ang karakter ng limang bida sa “Sinagtala” but they have one thing in common – their love for music at ipinakikita rito kung paano sila natulungan ng musika sa kanilang struggles in life.

Very inspiring ang movie at swak na swak talaga hindi lang sa mga musikero kundi sa lahat ng may pinagdadaanan sa buhay.

Isa pang nagustuhan namin sa movie ay original music lahat ang ginamit dito na isa talaga sa maipagmamalaki ng pelikula.

Mula sa direksyon ni Mike Sandejas, showing na sa mga sinehan nationwide ang “Sinagtala” mula sa Sinagtala Productions sa tulong ng creative producer na si Sen. Allan Peter Cayetano.

AUTHOR PROFILE