
Kristel ‘di sumunod sa tradisyon sa magiging kasal sa South Korean boyfriend
THIRTY-year-old singer, actress, celebrity vlogger and former Kapamilya actress Kristel Fulgar is now engaged sa kanyang Korean national boyfriend na si Ha Su-hyuk na nangyari last February in South Korea kung saan siya ngayon naka-base,
The couple was officially in a relationship nung nakaraang November 2024 matapos magpa-convert si Su-hyuk sa pagiging isang miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na siyang relihiyon ni Kristel.
Kahit nagkakagustuhan na noon sina Kristel at Su-hyuk, hindi masagot ng singer-actress-vlogger ang kanyang manliligaw dahil sa kanilang magkaibang relihiyon.
After the engagement ay magkatuwang ang dalawa sa paghahanda ng kanilang nalalapit na kasal although hindi pa sila nagsi-share ng date and venue (most likely in South Korea).
Traditionally, hindi dapat alam ng groom-to- be ang isusuot at ayos ng kanyang bride-to-be hanggang sa araw ng kanilang kasal. But in the case of Kristel and Su-hyuk, hindi na ito sinunod ni Kristel dahil kasama niyaang fiance sa pamimili sa isang classy wedding dress shop in South Korea ng kanyang isusuot during the wedding ceremony and reception.
Hindi bibilhin ni Kristel ang dalawang gown kundi rerentahan lamang niya ito na aabutin lamang umano ng halos P50,000 (equivalent to Korean won).
Walang plano si Kristel na itago ang wedding gown dahil makikita naman daw ito sa video at pictures kaya nag-desisyon siya na mag-renta na lamang kaysa bumili pa.
Sobra umano ang gaganda ng quality ng mga wedding gowns sa dress shop na kanilang pinuntahan ng kanyang fiancé. Aayusin pa umano ang buhok at lalagyan ng tiara at iba pang accessories para may idea ang bride-to-be sa kanyang magiging look during her wedding.
David may chemistry rin kay kathryn
KINIKILIG ang Pambansang Ginoo, ang Kapuso actor and entrepreneur na si David Licauco sa mga nakakarating sa kanyang balita na may posibilidad na pagsamahin sila ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo dahil marami ang nakapansin sa kanilang instant chemistry nang magsama ang dalawa sa curtain call on stage ng “Body of Work: Bench Fashion Show” na ginanap sa SM MOA Arena nung March 21, 2028.
Although nagkangitian lamang sina Kathryn at David nang sila’y magkatabi na na-capture ng iba’t ibang cameras at na-post, kitang-kita sa dalawa ang kanilang kakaibang chemistsry.
Although tiyak na papalag ang BarDa fans nina Barbie Forteza at David, actor si David na kailangang ipareha sa iba para hindi sila ma-stuck sa isa’t isa. It is also for their own growth. After all, hindi naman talaga inaasahan ang kanilang pagiging magka-loveteam na nabuo lamang nang magsama ang dalawa sa historical series na “Maria Clara at Crisostomo Ibarra”.
Tulad noon nina Alden Richards at Maine Mendoza na naging accidental din ang pagiging magka-loveteam, masasabi ring accidental loveteam ang BarDa nina Barbie at David.
Aminado ang tsinitong actor na si David na big fan umano siya ni Kathryn maging ng dati nitong ka-loveteam at nobyo na si Daniel Padilla at pinanood umano niya ang mga pelikula ng dalawa pati ibang movies ni Kathryn na hindi kasama si Daniel.
“For now ay hindi ko pa masasabi kung ano ang magiging reaction ko kung makakatambal ko si Kathryn. Sigurado akong sobra akong mai-excite,” ani David.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.