Celeste

Celeste isa sa early favorites sa Miss Universe 2023

January 13, 2023 Aster Amoyo 655 views

Celeste1Celeste2Celeste3

EXCITED na ang mga Filipino all over the world sa magiging resulta ng 71st Miss Universe na gaganapin sa Ernest N. Morly Convention Center in New Orleans, Louisiana, USA ngayong January 14, 2023 (January 15 ng umaga sa Pilipinas). This will be jointly hosted by the 2012 Miss Universe (USA), American model, fashion and social media inluencer na si Olivia Culpo with Vietnamese-American TV host and stylist Jeannie Mai-Jenkins with 2018 Miss Universe, Fil-Australian model, singer-actress Catriona Gray and Zuri Hall, American entertainment reporter, TV personality, actress and producer as backstage commentators.

Ang kinatawan ng Pilipinas, ang Fil-Italian 2022 Miss Universe – Philippines na si Celeste Cortesi ay isa sa early favorites from among over 80 candidates from all over the world.

Bukod kay Celeste, ang iba pang early favorites include Vietnam, Venezuela, USA, Thailand, Puerto Rico, Peru, Mexico, Italy, Germany, France, Dominican Republic, Colombia at Aruba. Lumulutang din ang iba pang kandidata tulad ng Miss Portugal, Miss Panama, Miss Nigeria, Miss Malta, Miss Indonesia, Miss India, Miss Great Britain, Miss Ecuador, Miss Croatia, Miss Cambodia, Miss Brazil at Miss Australia.

Tiyak na mahihirapan ang mga bumubuo ng panel of judges kung sinu-sino ang papasok sa semi-finals and eventually ang tatanghaling pinakabago or 71st Miss Universe na magiging successor ng 70th Miss Universe na si Harnazz Sandhu ng India.

Sa presentation ng National Costume, ginulat ng Miss Universe – Philippines na si Celeste ang lahat nang ito’y lumabas in her Darna-inspired costume na ginawa ng kilalang Filipino fashion designer na si Oliver Tolentino bagay na ikinatuwa ng kanyang mga kababayan laluna ang pamilya ng yumaong creator ng “Darna” na si Mars Ravelo maging ang pamunuan ng ABS-CBN at mga tao sa likod ng “Darna” TV series.

The costume na isinuot at ipinakita ni Celeste symbolizes power and strength ng Filipina women.

Celeste is said to be currently in a relationship with football player Matthew Custodio.

Kahit busy may panahon sa isa’t isa sina Xian at Kim

THERE’S no stopping singer-songwriter, actor, athlete, writer and filmmaker Xian Lim. Meron na naman siyang bagong proyekto sa Viva. This time, he’s wearing a hat bilang writer-director ng comedy movie ng Viva Films, ang “Hello, Universe” kung saan tampok bilang mga pangunahing bida sina JannoGibbs, AnjoYllana at Benjie Paras kasama sina Maui Taylor, Sunshine Guimary, Gene Padilla at iba pa na first time lahat naka-trabaho ng bagong writer-director.

Natutuwa ang nobyo ni Kim Chiu na magmula nang lumipat siya sa pangangalaga ng Viva ay unti-unti na niyangn ailalabas ang iba pa niyang talents.

Matapos ipalabas nung isang taon ang reunion movie nila ng kanyang kasintahang si Kim Chiu, ang “Always” sa ilalim ng Viva and his first TV projects sa GMA, ang “False Positive” and “All-Out Sundays,” pagsusulat at pagdidirek naman ang binalingan ni Xian.

Ang pelikulang “Hello, Universe” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula ngayong January 25, 2023 at aminado siya that he had fun doing the movie with the cast na lahat supportive at cooperative sa kanya bilang writer-director.

Sinimulan na rin niyang mag-taping ng bago niyang TV drama series sa GMA, ang “Hearts on Ice” na pinagtatambalan nila ni Ashley Ortega habang naghihintay din siya sa pagpapatuloy ng taping ng na-hold nilang serye ni Jennylyn Mercado, ang “Love, Die, Repeat”.

With his hands full, hindi naman kaya mag-suffer ang relasyon nila ng longtime girlfriend na si Kim na super busy din sa kanyang career bilang singer, actress-host sa bakuran ng ABS-CBN?

Ayon sa actor-director, sa kabila ng kanilang busy schedules at magkaibang home studio, they make time to be together tulad sa kanilang recent visit in Europe.

Celeste4

Janno masayang kasama si Anjo

BUKOD sa pelikula, nagkasama na rin noon sina Janno Gibbs at AnjoYllana sa noontime program na “Eat Bulaga”. Nagkasama rin sandali ang dalawa sa short-lived noontime show ng Net25, ang “Happy Time” nung 2020 kasama si Kitkat pero hindi ito nagtagal dahil sa ilang personal issues.

Natutuwa and dalawang actors-comedians dahil muli silang magkasama sa isang comedy movie, ang “Hello, Universe” na pinamahalaan Xian Lim sa ilalim ng Viva Films kung saan din nila kasama si Benjie Paras along with Maui Taylor, Sunshine Guimary at iba pa.

Janno and Anjo consider themselves not only as colleagues and close friends kundi as `blood brothers’ at ang muli nilang pagsasama sa pelikula ay bonding time umano nila along with the rest of the cast.

Umaasa rin ang dalawa na muli silang magkakasama hindi lamang sa pelikula kundi maging sa telebisyon.

“Maganda ang pambungad naming sa taong 2023,” pahayag ni Janno.

Celeste5Celeste6Celeste7

Pia gustong maging makinis sa araw ng kasal

ISA sa pinaghahandaan ngayon ng ikatlong Filipina Miss Universe (2015) na si Pia Wurtzbach ay ang wedding nila ng kanyang Scottish entrepreneur fiancé na si Jeremy Jauncey.

Kasama rin sa pinagkakaabalahan ngayon ng actress-model at dating beauty queen ang kanyang pakikipag-alyansa sa Belo Medical Group bilang pinakabagong brand ambassador ng Belo Exosomes, isang skin-nourishing elixir na sikreto ng kanyang napakagandang skin ngayon.

Ang Belo Exosomes treatment ay gumagamit ng revolutionary ASCE+ cell-signaling system to regenerate cells na isang breakthrough in anti-aging technology. Ito’y available sa lahat ng Belo clinics.

Ang Belo Exosomes ay isang topical or injected treatment na ang resulta ay youthful and vibrant skin na nakikita mismo kay Pia.

“I’m confident facing the world in my natural self and in my own skin,” pahayag ng dating Miss Universe.

Being the face ng pinakabagong skin solution, ang Belo Exosomes, Pia has to personally try and experience the amazing result ng bagong skin treatment bago niya tinanggap ang pakikipag-collaborate with the premier beauty authority, ang Belo Medical Group.

Pia spent the Christmas holidays with her fiancé na si Jeremy sa bahay nito sa Edinburgh in United Kingdom.

Although hindi pa nagbibigay ng detalye ang engaged couple tungkol sa kanilang nalalapit na pagpapakasal, tutok ang dating beauty queen queen sa kanyang skin na gusto niyang smooth and silky pagdating sa araw ng kanilang much-awaited wedding ceremony.

SUBSCRIBE, like, share and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE