Joey Sarte Salceda

CDC isinulong para panlaban sa pandemya

June 19, 2022 People's Tonight 297 views

MADIING iginiit ni House Ways and Means Community chairman, Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na dapat maitatag agad ang ‘Center for Disease Control (CDC) ng bansa bilang paghahanda sa lumalaganap na mga sakit gaya ng pandemyang Covid-19 na mahirap turolin.

Ipinahayag ni Salceda ang kanyang panawagan bilang tugon sa babala mula sa US Center for Disease Control kaugnay sa maraming kaso ng “monkeypox” na lumilitaw sa maraming bahagi ng mundo na hindi naman nagpapakita ng karaniwang mga ‘symptoms’ o palatandaan.

“Marami na tayong nakitang mga pabalita tungkol sa ‘monkeypox’ na tila hindi gaanong matindi at nakakapekto lamang sa ilang bahagi ng katawan. Kaiba ito sa ipinakikitang mga seryuso at malalang mga kaso ng mga a malagapanap na impeksiyon nito sa mga bansa sa Kanlurang Sentral Africa,” pahayag ni Rochelle Walensky, pinuno ng US CDC.

Nitong nakaraang ika-9 ng Hunyo, mga 1,300 dokumntadong kaso ng ‘monkeypox’ ang naitala na sa buong mundo. Wala pang kaso nito sa Pilipinas ngunit nagpalabas na ng babala at mga gabay ang Department of Health (DOH) kung paano ito maiiwasan at mapaghahandaan.

“Malala man o hindi, tiyak na darating ang hawaan nito sa Pilipinas. Gaya ng natutunan ko nang gubernador ako ng Albay, lalapitan ka ng kalikasan kaya kailangang maihanda mo ang iyong kakayanang tugunan ito. Kailangan natin ang mga institusyon, kakayanan, kultura, pamamaraan ang mga kailangan upang harapin at tugunan ito,” ayon kay Salceda.

AUTHOR PROFILE